° ° °
Casper's POV
---
Mukhang pinagpipyestahan na ngayon ng babaeng iyon. Hahaha! Nakakatawa siguro siyang makitang umiiyak nang dahil sa ginawa ng mga fangirls ko sa kanya at pati na ng mga boys ko. Tsk!
KRRRIIINNG! KRIIIING! KRIIIINNNGG!
Sigurado akong napahiya yung babaeng iyon ngayon. Tumawag na kasi si Hans. Ibig sabihin tapos na yung pinapagawa ko.
"Hello, bro. Kamusta? Ayos ba? Napahiya ba siya." bungad ko sa kabilang linya.
["Bro, kami yung napahiya."] kumunot tuloy ang noo ko nang dahil sa ibinalita niya.
"What?! A-anong nangyari?"
["Bro, ang galing niya sa self defense! Hindi ko nga siya nasikmuraan eh. Pinilipit niya kasi yung kamay ko patalikod. Ang sakit pa nga hanggang ngayon. At binantaan pa kami ah."] mas lalo akong nanggigil ng dahil sa ipinaliwanag niya.
"Anong sabi ng babaeng 'yon?!" naiinis kong tanong.
["Kapag muli pa raw namin siyang hinamon, babalian niya daw kami ng buto. Kaya natatakot kami, bro. Ayaw na namin. Suko na kami. Ikaw na lang kapag gumaling ka na."] hay.. Lalake ba talaga ang mga 'to? Ang lalaki ng katawan, takot sa babaeng marunong lang lumaban? Psh!
"Fine! Bwisit. Ako na ang bahala sa kanya." then I hanged up his call.
Inis kong ibinalibag ang phone ko. Wala akong pakialam kung masira man iyon o hindi gumana. Pwede pa naman akong bumili ng bago eh.
Colleen's POV
---
Pumunta muna ako sa girls locker room para magbihis. Buti na lang at palagi akong may dalang extrang damit.
Kung wala, paano na ako? Eh 'di para akong basang sisiw pag-uwi.
After kong kumuha ng pagbihisan, dumiretso naman ako sa girls comfort roon para makaligo. Mabilis lang naman akong maligo eh. Hindi naman ako aabutin ng thirty minutes.
After kong maligo, nagbihis na ako kaagad. Then after kong magpalit ng bagong uniform, kinuha ko na yung bag ko at kinuha doon ang suklay at sinuklay ang magulo kong buhok.
At sa wakas! Dahil mabilis naman akong nakarating sa classroom, hindi ako na-late. Wala pang teacher noong dumating ako. Nice one, Colleen! You're the best!
Pagpasok ko sa classroom, sinalubong ako ng mga tanong nila Crystal at Honey. Bad trip na nga ako, mababad trip pa ako pagdating ko. Buhay nga naman...
"Stop! Okay, fine! Pinagkaguluhan ako sa labas because nalaman nilang ako yung may gawa sa nangyari kay Lucipher--"
"Casper." pagtatama ni Crystal saka ako inirapan ng bruha.
"Whatever." inirapan ko rin siya pabalik.
"Then? Bakit ka natagalan at bakit.. Basa 'yang buhok mo?" singit naman ni Honey kaya napunta sa kanya yung atensiyon ko.
"Ganito kasi 'yon--" magpaliwanag pa lang sana ako nang biglang pumasok yung teacher namin sa ikalawang pintuan ng classroom namin kaya dali-pali kaming umupo sa mga upuan namin.
* * *
Natapos ang buong klase. Napagdesisyunan naming tatlo na umuwi na kaagad. Marami pa kaming gagawin sa bahay namin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino iyon.
Si Daddy.
I clicked the answer button.
"Hello, Dad? Bakit po?" walang emosyon kong sagot sa tawag.
["I need you right now. Pwede ka ba ngayon, anak? Kakausapin ka raw ng Tito Julius mo. Are you free ba?"]
Naiinis ako sa mga magulang ko ngayon.
"Hindi po. Busy po kami eh." sagot ko.
["Okay, anak. Nagpa-schedule pala kami ng Mommy mo ng three tickets papuntang Boracay. Alam kong hindi ka na namin natututukan. Kaya sorry, Colleen. Anak, sana maintindihan mo kami ng Mommy mo."]
Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakakatagal sa pagiging matampuhin ko sa kanila. Dali-dali nila akong susuyuin kapag nalaman nilang medyo umiiwas ako sa kanila.
"Okay, Daddy. Nagbago yung isip ko. Hindi na ako free. Hanggang anong oras po ba?" wala eh. Daddy ko 'to.
["Five o'clock to six o'clock lang naman anak. Mga isang oras lang 'yon. Ano, ayos lang ba yung oras, anak?"]
Maaga pa pala. 4:46 PM pa lang kasi. Aabot pa ako.
"Opo. Sige po. Wait me po. Bye, Dad!"
["Bye, anak."]
Pinatay ko na ang tawag at minadali na ang pagmamaneho ko. Baka nandoon na si Tito pagkarating ko. Mas mabuti na, na ako yung naghihintay kaysa siya yung pinaghihintay ko.
Crystal's POV
---
Nasaan na ba yung Colleen na yun? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, cannot be reached naman. Pati si Honey tinatawagan siya pero ayaw niya talagang sagutin.
"Nasaan ka na ba kasi, Colleen?! Pinag-aalala mo kami eh." reklamo nitong kasama ko na hanggang ngayon pabalik-balik ng lakad.
Nainis ako kaya nasigawan ko siya. "Ano ba?! Nakakahilo naman 'yang ginagawa mo, Honey eh."
"Please, huwag ka naman maging OA d'yan. Baka mamaya tatawag rin sa atin si Colleen. Just wait her call." kalmado kong dugtong.
Ilang minuto pa ang nakalilipas ng biglang mag-ring ang phone ko.
At tama nga ang baka sakali ko na tatawag si Colleen! Siya na nga ito!
"Hello, Colleen. Nasaan ka ba talaga? Kahina ka pa namin hinahanap." bungad ko sa kanya sa kabilang linya.
I heard she sighed. ["Huwag na kayong mag-alala. Nandito ako sa bahay. May kausap akong tao. Mauna na rin kayong kumain pero hintayin niyo ako. Sasabay akong matutulog sa inyo. Okay?"] buti na lang at okay siya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hay...
"Okay. Basta umuwi ka ng maaga. May assignments ka pang tatapusin mamaya." bilin ko sa kanya.
["Opo."] sagot niya saka nagpaalam na at pinatay na ang tawag.
Nagluto na lang kami ng makakain mula sa fridge namin nang makapagbihis na kami ng pambahay. Saka sabay na kumain sa hapag.
Pagkatapos kong hugasan yung mga ginamit namin kanina, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag-shower na ako at makapagpalit na ng damit. Ang baho ko na kasi.
Pagkatapos kong hugasan yung mga ginamit namin kanina, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag-shower na ako at makapagpalit na ng damit. Ang baho ko na kasi.
Nang makapagbihis na ako, dumiretso na ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko para gumawa na ng assignments. Medyo marami-rami rin kasing assignments ito na kailangang ipasa bukas kaya kailangang mag-rush.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...