Chapter 6

20 7 1
                                    

He's sitting across from her. Looking at her, she looks stressed out. Kanina pa 'to nagbu-bugtong hininga. Gustuhin man niyang magtanong pero mukhang hindi naman din s'ya nito mapapansin dahil sa lalim ng iniisip nito.

"Excuse me, Mam, Sir, ready na po lahat. Kayo nalang po hinihintay." sabi ng secretary niya. Tumango naman siya as a response. Pero si Airish tulala pa rin.

Nilapitan niya na 'to at tinapik sa balikat. "Hey, tara na."

Napatingin naman 'to sa kanya. At bumugtong hininga ulit bago tumango. He really wants to ask kung ano ang problema. Pero base pa lang sa reactions nito ay wala itong sasabihin sa kanya.

While they are walking, tahimik pa rin ito. He's just observing her. Muntik pa nga itong makabangga ng ibang tao kung hindi niya lang na hawakan ang braso nito at hinila papalapit sa kanya.

Hindi na n'ya kaya na manahimik kaya "You okay? Kanina ka pa tulala."

Tumingin 'to sa kanya and she just nodded again.

Siya naman ang napa-bugtong hininga. "Okay. I won't ask. But please 'wag kang babangga sa kung saan. Sayang outfit mo." pagbibiro niya.

She smiled. "Yeah. Sayang naman ang outfit ko. Baka masabihan mo na naman na dugyot." she rolled her eyes at him. Kaya natawa siya. Kahit papano ay na-distract niya 'to sa pag-iisip.

"Ngiti ka lang. Tatanda ka agad kung seryoso ka. Haha!"

"Duh! Kahit naman tumanda ako mas matanda ka pa rin." she sticks her tounge out and na-una na sa paglalakad.

Napailing nalang siya sa ginawa nito. At sumunod na lang dito.

Upon arriving at the stage pinakilala sila ng emcee and speeches began. Hanggang sa picture taking na nila for the groundbreaking. Natawa siya kay Airish dahil naka-simangot ito at halatang naiirita.

"Sabi kong 'wag kang si-simangot diba? Pa-pangit ka."

"Manahimik ka diyan! Ang init kaya! I am sweating! Tapos ang babagal pa nila." she rolled her eyes.

Napailing na lang siya at tinulungan ito na makapwesto sa tabi niya. They started and pictures are taken.

"Thank God! Tapos na! Ang init gosh!" pagrereklamo nito sa kanya habang pabalik sila sa tent nila.

May mga pagkain na nakahanda for everyone. Pero hindi na sila naki-salo. Ayaw din naman n'yang makipag-plastikan sa mga tao roon. And Airish is complaining— sa mga nakikita nito na nakaka-irita sa paningin nito. Kaya sinamahan na lang n'ya.

"Kanina tahimik ka. Ngayon naman ang daldal mo na." natuma-tawa pa siya habang sinasabi iyon.

"Well... just... thinking of things... you know."

"Things? Like what?"

"Ikaw ba talaga ang may-ari ng MGC?" biglang tanong nito sa kanya.

Nagulat man ay sumagot siya. "Yeah. Ako na ang may-ari. Pinasa na sakin ng parents ko. Kaya I am the owner. I own 70% of the company. Last 2 days ago lang nila ibinigay sa'kin lahat. I'm the only child, remember?"

"Isa lang tanong ko. Dami mo sinagot." asik nito sa kanya. Kaya natawa siya.

"Well, I'm just explaining." ngumiti pa s'ya rito.

"Well, are you really?"

"Really what? Explaining? Or the owner?"

"Wala. Mas madaldal ka talaga kesa sa'kin." sagot nito.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon