Chapter 47

15 3 0
                                    

Pagbalik nila sa loob ng mansion, ay napaka-tahimik. Kaya tiningnan niya isa-isa ang mga 'to. Nakapiring, nakatali, at... may duct tape sa bibig.

Napa-iling na lang si Airish bago lumapit kay Serenity. "Seriously? Nawala lang kami ng ilang minuto pinalagyan mo sila ng duct tape?"

Serenity sheepishly smiled. "Ang iingay nila, eh. My poor ears."

Napa-iling na lang siya ulit sa sagot nito. Tiningnan niya ang mag-ina, nagamot na ang mga sugat nito. Iniisip niya kung sa maayos na paraan ba niya kakausapin ang mga ito o sa marahas na paraan.

What they did earlier, is just a peak of an iceberg. Nakikipaglaro lang siya sa mga ito. Mabait pa siya sa lagay na 'yon. Her attitude when it comes to transactions are worst. Kapag ayaw sumagot, pinapatay na n'ya agad. Pero iba ang sitwasyon ngayon, she needed them alive not until malaman niya kung nasaan ang mga magulang niya. Nilibing man o hindi.

Hinihintay nila ang pagpatak ng alas onse ng gabi. She smirked. They're just waiting for something...

Playing with their mind and feelings won't hurt them, eh?

Lumapit sa kan'ya si Ashur at bumulong. "It's here."

She smirked. "You know what to do, baby." She kissed his cheeks bago siya naglakad patungo kay Regina.

"Get up, Regina. I'll let you be with Ashur." Bulong niya rito.

Mahina 'tong tumawa. "He doesn't want you, anymore?"

Siya naman ang natawa sa sinabi nito. "Oh honey, you wish." Tumingin siya sa mga tauhan ni Ashur para ipakuha na si Regina. "Be quiet, if you want to be with Ashur." Tumango 'to sa sinabi niya at sumama sa mga tauhan ni Ashur.

She chuckled. Baliw na baliw talaga ang babae na 'yon kay Ashur. Mula college hanggang sa ngayon. Regina's a bitch since college, but, just like her mother, nagpa-plastic surgery rin ito dahil hindi 'to binigyan ng pansin ni Ashur mula noon pa. Who would have thought that... she's still obsessed with Ashur at matagal na nila itong kilala, kung hindi lang ito nagpalit ng pangalan ay malalaman nila agad kung sino ito.

Ashur held her hand and kissed it. "You look dangerous, baby."

She chuckled. Nakalapit na pala 'to sa kan'ya nang 'di niya namamalayan. "She's still obsessed with you. Who would have thought that, nakayanan ko noon ang mga death threats na natatanggap ko simula ng naging jowa kita?"

Mahina 'tong natawa at hinalikan siya sa noo. "Wala, eh. Gano'n talaga kapag matalino na guwapo pa." Pinalo niya 'to sa braso. "Mahal mo ako, mahal kita. Kaya death threats, who?"

"Gago."

He chuckled then kissed her forehead again. Umalis na 'to para pumunta sa kinaroroonan ni Regina.

Humarap naman siya kay Serenity at nakita niyang nakataas ang kilay nito habang umiiling sa kan'ya. Kaya, she mouthed 'what?' Pero umiling lang 'to at inirapan siya. Umiling na lang siya ay nagkibit-balikat. Nagiging bitter na naman ang babaeng ito.

Hinila niya ang bakanteng upuan ni Regina patungo sa harapan ulit ng mga impostor. Nakakangilo ang tunog na nililikha ng upuan sa sahig. Kaya umuungol ang mga ito na para bang sinasabi sa kan'ya na tumigil siya sa ginagawa niya. She's enjoying it, though.

Inalis niya ang duct tape sa bibig ng mag-asawa bago siya umupo sa harapan ng mga 'to.

She hummed. "May itatanong ako, sasagutin n'yo ba sa maayos na paraan o sa mahirap na paraan?"

Akala niya hindi siya sasagutin ng mga ito pero naunang magsalita si Severino.

"Kung ang itatanong mo ay ang tungkol sa mga magulang mo, wala kang makukuhang sagot."

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon