Chapter 42

14 3 1
                                    

"Everything's set, Airish." Rinig niyang sambit ni Serenity sa suot niya na earpiece.

Ngayong gabi na ang engagement at katuparan ng plano niya. She can't wait for it.

Masquerade theme ang engagement party nila ni Magnus.

The Mibella Hotel is a modern style with a Spanish twist. You can smell all the ecuadorian red roses the moment you've entered the venue. A white carpet, laid from the entrance up to the stage. The stage are filled with red roses, a satin navy blue fabric as the background with letterings of Rodriguez and Abellana Engagement in gold color and a glass podium for the host. Huge LED screen at each side flashing their pictures together. Huge chandeliers are hanging from the high ceilings. The round tables are clothed in satin navy blue color partnered with gold and white tableware, and the centerpiece are tall glass trumpet vase filled with ecuadorian red roses. Chairs are also in gold with a white cushion.

Everyone will have different style of mask provided by them. Makukuha  lang nila ang mask kapag dumating na sila rito at dala-dala ang invitation na ipinamigay nila. Each invitation has a unique number that corresponds to their mask. All the mask are different from each other but the string determine who's who. Navy blue— Mafia. Gold— Elite members of society. White— Media. One person per one invitation only.

Malapit nang magsimula ang party kaya kitang-kita niya ngayon ang haba ng pila sa lobby area at ang rami ng tao rito sa loob. Each one of them are taking pictures, chattering and eyeing someone to be their date for tonight. Kung alam lang nila ang mangyayari ngayon gabi. She smirked at her thoughts.

Nag-i-ikot-ikot siya ngayon pero wala siyang kinakausap o kaya naman kapag may nagtangka ay hindi niya binibigyan ng pansin. Hinihintay niya ang pagdating ni Ashur, kailangang nandito ang lalaking iyon dahil ito ang magiging bida ngayong gabi.

"Good Evening, Mam." Bulong sa kan'ya ng isang babae na katabi niya ngayon. Tinitigan niya ito kaya bahagya itong tumawa. "Mam, grabe naman. Hindi n'yo ako nakilala?" She remained eyeing her. "Micah, Mam Airish." Pakilala nito.

Her mouth slightly opened. Hindi niya nakilala ang secretary niya. Ibang-iba ang itsura nito ngayon. "Bruha ka. Maganda ka naman pala talaga. Eh, bakit puro pang-lamay ang suot at mukha mo kada sasama ka sa 'kin sa mga party?" Pabirong sabi niya rito. Close naman silang dalawa dahil matagal na rin itong nagtatrabaho sa kan'ya. "Mabuti naman at sinuot mo ang pinadala ni Serenity na damit. Akala ko aamagin sa bahay mo." Sarkastikong sambit niya.

Serenity insisted na padalhan ng damit si Micah dahil mukhang wala raw itong ibang damit o kulay ng damit for the party. Dati kasi ay halos 'yong party na ang mag-adjust para maging lamay kapag isinasama niya 'to. Parati kasing from head to toe ay all black ang suot nito. Sa lahat ng party na pinupuntahan nila ay iisang style na long black dress with long sleeves parati ang suot nito na iba't iba lang ang design o fabric— literal na balot na balot. Kaya kulang na lang ay magdonate si Serenity ng damit dito sa sobrang stress tuwing nakikita 'to sa mga party. Malaki naman ang ibinibigay niya na suweldo rito kaya nagtataka siya kung bakit hindi ito bumibili ng mga damit. Ayaw naman niyang manghimasok sa buhay nito kaya hinahayaan na lang niya kung ano ang isusuot nito tuwing papasok.

"Ang ganda kasi Mam ng damit na 'to. Baka sunugin ni Mam Serenity ang bahay ko kapag hindi ako pumunta at isinuot 'to ngayon." Natatawang sagot nito.

"Gaga. Alisin mo nga 'yang Mam na 'yan. Wala tayo sa trabaho. Ang sakit sa tenga. Kaya dapat pangalan ko ang itawag mo sa 'kin. Nagkalinawan na tayo sa bagay na 'yan 'di ba? At saka pasalamat ka hindi ka naririnig ngayon ni Serenity kundi kukutusan ka no'n." One-way communication lang ang earpiece na suot niya ngayon. Naririnig niya ang mga pag-uusap nila pero hindi nila naririnig kung ano ang sinasabi niya maging ng kausap niya.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon