Chapter 10

19 6 0
                                    

"Who the hell are you?!" narinig niyang sigaw ni Serenity.

Na-tigil ang pagtawa niya dahil sa sigaw na 'yon. Kaya tumakbo siya agad papunta sa pinto bago pa may magawa si Serenity kay Ashur.

"Serenity! Hi!" bati niya rito. Tinulak naman niya papasok ng unit niya si Ashur at lumabas siya.

"Sino 'yon?" tanong nito habang naka-kunot ang noo.

Hindi nga pala niya nasasabi pa rito na nakaka-usap na niya si Ashur. At hindi rin nito alam ang itsura nito dahil ayaw niyang ipa-search si Ashur.

Tiningnan niya 'to. Nag-aalangan siyang sabihin kung sino ang nasa loob ng unit niya.

She glared at her. "Hindi mo sasabihin?" and she raised her eyebrow.

Napa-iwas naman siya ng tingin. She cleared her throat bago ito sagutin. "He's Ashur."

Naningkit naman ang mata nito sa kanya. "Your ex?" paninigurado nito. Tumango lang siya bilang sagot. "Gosh. He's hot."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. "Hot? Anong hot? Pinag-sasasabi mo?"

"What? Hot naman talaga ang ex mo ah? Don't tell me nabulag ka kaya di mo nakikita?" sagot nito.

Kinurot naman niya ang tagiliran nito. "Tumigil ka jan ah. Asan na yung mabait na Serenity?"

"Mabait pero appreciative." sagot nito.

She just rolled her eyes. Kaya tumawa 'to sa kanya.

"Hindi porket mabait ako at soft spoken ay napaka-hinhin ko. Hot naman talaga siya ah? Pero hindi ko type." she smirked at her.

She smirked also. "Kasi type mo yung kaaway mo noon sa condo mo?" pang-aasar niya rito.

Sinamaan naman siya nito ng tingin. "Gaga! Tumigil ka jan."

Natawa naman siya sa reaksyon nito. Bigla talaga 'tong nag-iiba kapag yung lalaki na 'yon ang topic nila.

"Tara na. Pumasok na tayo." aya nito.

"Wow. Condo mo?"

"Hindi. Condo mo na nasa loob ang ex mo." sarcastic na sabi nito at nag-roll eyes pa 'to bago naunang maglakad sa kanya.

Napa-iling nalang siya at sumunod. Pagkapasok nila naka-upo si Ashur sa sofa habang kumakain.

Nakita naman ni Serenity yung baril niya na naka-disassemble. Nanlaki ang mata nito sa kanya habang pa-simpleng itinuturo ito.

Natawa naman siya sa reaction nito at itinuro niya si Ashur. Na-gets naman nito agad ang ibig niyang sabihin.

"Hanggang kelan kayo mag-uusap at magtuturuan sa likod ko?" biglang tanong ni Ashur. Nakatingin na pala 'to sa kanilang dalawa.

Lumapit naman si Serenity kay Ashur. "Hi there! I'm Serenity. Airish bestfriend slash cousin." pakilala nito at inilahad pa ang kamay.

Ashur took her hand. "Nice to meet you. Ashur. Airish... ahm..."

"Resort partner." pagtutuloy niya sa sinasabi nito. Anong pinagsasasabi mo, Airish? Napakamot nalang siya sa ulo.

"Resort partner, huh?" sabi ni Serenity na pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Ashur. Bago bitawan ang kamay ni Ashur.

Lumapit 'to sa kanya at bumulong. "Pwede pa lang maging type ko." na-kurot naman niya 'to sa tagiliran. "Ouch! Joke lang!"

Sinamaan niya 'to ng tingin bago bumaling kay Ashur. May sasabihin sana siya rito. Kaso nanunuod na naman at kumakain. Patay gutom.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon