Chapter 43

12 3 0
                                    

Shock are written on their faces. Isa-isa niyang tini-tingnan ang mga ito. Her plan was worth it, after all. Pero ang mas binibigyan niya ng pansin ay ang ama niya.

Mula sa hindi makapaniwalang reaksyon nito, ay nagsimula nang tumalim at napuno ng galit ang mga mata nito.

"Tonta!" Sigaw nito bago humalakhak. "Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Pinapasundan kita kaya alam ko ang mga kilos mo."

She smirked. Lumapit siya rito habang iniikot-ikot ang singsing sa daliri niya. Pinakita niya rito ang kamay niya. "See this, father? It's my wedding ring." She chuckled then crossed her arms. "At sa tingin mo ba ay tanga ako para hindi ko malaman na parating may nakabuntot sa akin? I can even kill him without blinking, it's just that... Alam ko naman na magiging baliw ka na naman kapag may mali akong ginawa." She patted his shoulder. "I'm such a good girl, father."

"Sa ating dalawa ikaw ang baliw!" Sigaw nito at pilit kuma-kawala sa pagkakatali nito.

She hysterically laughed. "Oh gosh. You're such a funny man." Nagtungo siya sa likuran nito, umuklo siya at bumulong. "Do you wanna hear my story?"

"Wala ka pa ring silbi hanggang ngayon." Asik nito.

She chuckled. Kahit anong sabihin nito wala nang magiging epekto sa kan'ya. "But then, you have all of this... because of me. So, shush and let me tell my story."



5 years old (Airish)

"Daddy!" Tumatalon-talon na tumakbo si Airish papalapit sa ama niya. "You're home!"

Ang excitement na nararamdaman niya ay biglang nawala nang lampasan siya nito na para bang hindi siya nakita o narinig man lang. Sinundan niya ang ama niya dahil sa pag-aakalang hindi nga siya nito narinig.

Nakita niya 'to sa loob ng master's bedroom. "Daddy?" Patanong na tawag niya rito. Hindi siya nito sinagot at patuloy lang sa pag-i-impake ng mga gamit. "Daddy, aalis ka?" Tuluyan na siyang lumapit dito at niyakap ang binti nito habang umiiyak. "Daddy, you just got home then you'll leave again?"

"Get away from me. You stupid child." Madiing sambit nito bago siya hawakan sa braso at malakas na itinulak.

Tumama ang ulo niya sa isang nakabukas na drawer at naramdaman niyang may dumadaloy na dugo mula sa noo niya. She cried even harder dahil sa nangyari sa kan'ya. Hinihintay niyang lumapit at yakapin siya ng ama niya tulad ng ginagawa nito noon, pero hindi 'to lumapit sa kan'ya at sinigawan pa siya na tumahimik.

She ran out the bedroom at nabunggo siya sa isang bulto ng tao. "Mommy!" Yumakap siya rito pero tulad ng ama niya ay itinulak din siya nito papalayo rito.

"Get out of my way. You filthy child." Masungit na sabi nito bago siya iniwan.

Airish is confused on what is going on with her parents. Para sa isang bata na katulad niya ay alam na niyang may mali sa nangyayari. Her parents are sweet and a loving parents to her and her sister.

Nararamdaman niya pa rin ang dugo na dumadaloy sa noo niya. Bumaba na siya ng hagdan at naghanap ng katulong na puwedeng gumamot ng sugat niya. Nang makahanap na siya ay agad siya nitong ginamot at nakikita niya sa mga mata nito ang takot. Kung bakit ay hindi niya alam.

Hinanap niya ang kapatid niya dahil mas bata 'to sa kan'ya at hindi nito maiintindihan ang nangyayari. At higit sa lahat siya ang ate, kaya dapat niyang protektahan ang bunso niyang kapatid. She promised her parents at hindi niya bibiguin ang mga ito.

She found her sister, natutulog ito ngayon sa loob ng kwarto nila. Kaya lumapit siya at tumabi rito. She kissed her sister's forehead bago siya yumakap at pumikit.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon