Chapter 30

13 2 0
                                    

"What's with you and Martins, Airish?" tanong ng Daddy niya.

Andito siya ngayon sa mansion nila. May family dinner sila. Pumayag siya agad ng tumawag ang Mommy niya tungkol sa family dinner nila. Kakauwi lang kasi ng mga 'to galing sa Thailand— bonding ng parents niya. She really missed them. Hanggang sa pagtulog niya sila ang naiisip niya. Kaya tuwang-tuwa siya na may family dinner sila ngayon.

"Dad, that's fake. An acting. You know, I have to gain information about the heir." sagot niya.

It's been a week mula no'ng katangahan nilang dalawa ni yabang sa bar at ang pangti-trip ng mga pinsan nilang dalawa. At hanggang ngayon, ang magaling niyang pinsan ay hindi pa rin nagpapakita sa kan'ya. Kahit ngayon na family dinner nila, na kailangan kumpleto silang lahat na Rodriguez ay wala ito. .... Or not?

"Good Evening, everyone! Sorry, I'm late." bati ni Serenity pagpasok na pagpasok sa dining area.

Masama ang tingin na ipinukol niya rito pero hindi man lang siya tiningnan. Magaling talaga. Mamaya ka sa 'kin.

"Good Evening, Serenity. Take a seat." bati ng Mommy niya kay Serenity bago bumaling sa kan'ya. "Airish, don't get too close with that man. Hindi natin alam kung ano o sino siya. He's the CEO of our rival Mafia. You can't be so sure na wala siyang magagawa sa 'yo. Please be careful, anak."

"Your Mom is right. Also, news about the two of you are still circulating." ani ng Daddy niya.

"Don't worry. I can take care of myself. You taught me well. Hindi ako magpapatalo sa kahit sino. If they'll plan to kill me, I'll kill them first." she smiled. "And about that news or gossip, I decided to let it circulate around the internet. It's a publicity. We need publicity lalo na at mag-iinvest ako sa Electronic Devices na ilalabas nila. Our company will gain, so, no loss."

"Just be careful." sabi ng Mommy niya. She just smiled in return.

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkwe-kwentuhan— bonding nilang pamilya. It's nice to have dinner with her family.

"Done hiding from me?" tanong niya kay Serenity ng ma-corner niya 'to sa garden.

Serenity gave her sweet smile then turned into a pout. "Bati na tayo."

She rolled her eyes. "At bakit?" matalim ang tingin na ibinigay niya rito. "Ikaw ang nagtatago tapos ngayon makikipagbati ka? Tingin mo nakakatuwa ang ginawa mo sa 'kin? I am very disappointed." seryosong sagot niya. Uminom siya ng wine para ma-itago niya kay Serenity ang pag-ngiti niya ng makita niya 'tong lumunok. Got you, Serene.

"Bella, I'm sorry. Hindi na mauulit." ngumuso 'to. "I'm just helping you." lumapit to sa kan'ya at bumulong. "It's fun, right?" hindi siya sumagot kaya lumayo 'to ng bahagya. "Galit ka talaga? Don't be mad na. At least may moment kayo together." tiningnan niya lang 'to. "Girl, 'di bagay. 'Wag ako." tumawa 'to hanggang sa nawala dahil ni-layasan niya.

She's humming while listening to Serenity's voice calling her. Sumu-sunod 'to sa kan'ya. Bahala ka d'yan.

"Airish naman eeeh! Parang bata!" unggot nito. "Airish!"

"Who you?" pang-aasar niya. Nag-iikutan sila rito sa buong garden.

"Aish! Airish!" hindi pa rin siya lumilingon. "Airish!" Ha? "Kamila!" Ha? "Rodriguez!" Ha? "Baby ni Ashur!" H-a?!

Nilingon niya 'to. "Anong baby?!"

"Yiiiee! Ikaw ha!" tumatalon-talon pa 'to na lumapit sa kan'ya. "Baby ni Ashur lang pala ang gusto mo na itawag ko sa 'yo. Ang dami mong arte." sinu-sundot pa ang tagiliran niya pagkalapit nito sa kan'ya.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon