She's in her office now. Signing some documents. Kakauwi lang nila kagabi. Nag-extend sila and they stayed sa Ilocos Norte for 3 days and 2 nights. Sinamahan siya ni Ashur dahil sabi nito "bored ako sa Metro." Kaya pumayag na lang siya dahil ayaw naman din niyang mag-isa. Gustuhin man niyang magtagal pa ro'n pero hindi pwede dahil may mga company silang hinahawakan.
It's lunch already and her phone rings. Pagtingin niya— si Ashur. They exchanged number kagabi which is weird... or not?
"Hello." sagot niya.
"Did you have lunch?" tanong nito.
"Hindi pa. Why?"
"Kain tayo."
"Kain lang. 'Di tayo."
He chuckled. "Lunch?"
"Hmm... where?"
"Tagaytay."
"What?!"
"Tagaytay. Bulalo. Bingi ka na naman." tuwa ulit ito.
"Ang layo ng Tagaytay. Tapos do'n ka mag-aaya? 'Raulo ka ba?"
"What? Malapit lang yun."
"Wow. Malapit? Define malapit."
"Malapit is define as to travel in a short distance."
"Bwisit ka!" tumawa na naman 'to sa kabilang linya. "Kahit kelan talaga 'di ka maayos kausap."
"Maayos akong kausap ah. Sabi mo i-define. Kaya I define it, Ms. Summa Cum Laude."
"Ewan ko sayo."
"So, lunch nga?"
"Ang layo nga." malayo naman kasi talaga. At ang dami niyang meeting ngayong araw dahil hindi siya pumasok ng tatlong araw.
"We'll use my chopper." sabi nito. "Don't tell me a-angal ka pa?"
She sighed. "Fine. Sunduin mo ako. Bilisan mo. Ang dami kong trabaho."
"Wow. Jowa?"
"Hindi. Ex."
Tumawa naman 'to bago magpa-alam sa kanya.
Nagpatuloy naman siya sa pag-pirma at pagbabasa ng mga documents. Ang dami niyang meetings pero pumayag siya sa alok na lunch ni Ashur. Rupok ka teh? Napa-iling nalang siya sa sarili niya.
Wala naman sigurong masama 'diba? Hay. Hindi naman siya pwedeng magbabad ulit sa work. Dahil yun ang advise sa kanya ng psychiatrist niya. Tinawagan niya ito no'ng andoon pa sila sa Ilocos at hindi niya kasama si Ashur. Sabi nito ay avoid stress and mag-relax siya para hindi siya magkaroon ng anxiety attack all of a sudden.
May kumatok naman sa pinto ng office niya at pumasok naman ito agad. "Let's go?"
"Wow. Maka-pasok. Office mo?"
"Office ng ex ko."
Bwisit. She rolled her eyes. Tumayo na siya at kinuha ang cellphone and purse niya. Nauna na siyang lumabas kaya sumunod na lang ito sa kanya. Nasa elevator na sila at puro ngiti lang ang ibinibigay sa kanya ni Ashur.
"Mahihipan ka sana." she sarcastically said and rolled her eyes again.
Tumawa naman ito pagkatapos ay ngumiti na naman. Kaya sinamaan na lang niya ito ng tingin. Pagkarating nila sa rooftop nandoon na ang chopper pero walang pilot. Kaya napatingin naman siya agad kay Ashur. Pero nginitian lang na naman siya nito at inalalayan pasakay sa loob ng chopper.

BINABASA MO ANG
Deceiving You
Genel KurguAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...