It's been 5 days na nasa penthouse niya si Airish. At wala sila ginawa kundi mag-asaran at mag-lokohan. Siya pumapasok sa company, si Airish pinanindigan talaga na hindi papasok at hindi magpapakita sa pamilya nito.
Sunday na ngayon. Eto sila. Naka-higa sa carpet ng living room. Tulala. Dahil walang ma-gawa.
"Ang laki ng penthouse mo. Wala naman ma-gawa. Boring." sambit ni Airish.
"Na-hiya naman ako sa penthouse mong ni-layasan mo dahil tahimik at wala kang kasama."
"Boring! What should we do?"
"Talon ka mula rito sa penthouse pa-baba sa kalsada."
"Ma-una ka. Tapos saluhin mo ako sa baba."
Napa-iling na lang siya. Nagga-gaguhan na lang talaga sila ni Airish.
"Should we bake?" suggestion niya.
"Wow. Marunong ka?" sarkastikong tanong ni Airish.
"Yeah. Tinuruan ako ni Mommy. Bonding namin."
"Mommy's boy." bulong nito at na-tawa pa.
"Alam mo ikaw. Tsk. Napaka-judgmental mo talaga."
"Eh kasi naman. Ipinag-bake mo ako dati ng cake. Palpak naman. Hahahahaha!" tawang-tawang sabi nito.
Napa-iling na lang siya. "At least nag-effort. Saka 'di naman ako nagpatulong kay Mommy no'n. Na-nuod lang ako sa YouTube. Tapos tinawanan mo lang ako. At hanggang ngayon tina-tawanan mo pa rin ako. Nag-effort na nga 'yon tao. 'Di mo na lang i-appreciate." seryosong sabi niya. Pero totoo naman talaga na tinawanan nito ang ginawa niyang cake noon.
"Eto naman. 'Di ma-biro. Na-appreciate ko naman. Ang nata-tawa lang ako sa itsura mo no'n. You look like na-tatae kasi pinagpapawisan ka pa habang tinitikman ko yung cake." malumanay na sabi nito bago humagalpak ulit ng tawa.
Na-tawa na lang din siya. Puro kasi talaga siya pa-cool noon. Tangina. Ang baduy ko pala. Ang sagwa.
"Edi anong gagawin natin? Ayaw mo naman mag-bake." sabi niya.
"Hmm..." tiningnan niya 'to. Naghihintay siya ng sasabihin nito. "Ewan ko." na-tawa siya. Talagang hinintay niya pa tapos wala rin pa lang isa-suggest.
Napa-tulala na lang sila ulit sa ceiling. Katatapos lang nilang kumain ng lunch. Kaya nag-iisip sila ng gagawin. Hay buhay.
"Swimming na lang tayo." aya niya rito.
"What? Saan? Sa baba? Ayoko nga."
"Hindi ko naman sinabi na sa baba."
"Edi saan? Wala akong nakikita na pool dito sa penthouse mo. Umayos ka."
"Meron. 'Di mo lang alam."
Napa-bangon naman 'to at tinitigan siya. Tinitingnan kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"Saan?" tanong nito habang naka-taas ang isang kilay.
"Sa third floor. Indoor swimming pool." sabi niya at nginitian ito. Napa-nga-nga naman si Airish sa sinabi niya kaya na-tawa siya. "Baka pasukan ng langaw ang bibig mo." asar niya rito.
"'Di nga? Seryoso ka?" tanong nito habang pina-niningkitan siya ng mata. Humagalpak siya ng tawa. "Bwisit ka! Akala ko pa naman meron na." asik nito sa kanya at na-higa na ulit sa carpet.
"Kelan pala tayo tutuloy sa Maldives? Don't tell me naka-limutan mo na?" tanong niya. Its been weeks simula ng bet nila.
Tumingin naman 'to sa kanya. "Oo nga 'no?" she sweetly smiled.

BINABASA MO ANG
Deceiving You
Fiksi UmumAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...