Chapter 16

16 2 0
                                        

She wore a Black Vetements X Juicy Couture one-sleeve velour jumpsuit partnered with Christian Louboutin Black Heels and a Black Saint Laurent Monogram Large Flap Wallet in Grain de Poudre Embossed Leather.

She wore a Black Vetements X Juicy Couture one-sleeve velour jumpsuit partnered with Christian Louboutin Black Heels and a Black Saint Laurent Monogram Large Flap Wallet in Grain de Poudre Embossed Leather

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabas na siya ng kwarto. Hinahanap niya si Ashur. Wala sa 'to living room or balcony. Kaya pumunta siya sa kitchen and there he is. Naka-talikod ito sa kanya. Kaya na-pagmasdan niya ang likuran nito. Ex ko ba talaga 'to? Bakit ang hot? Na-alala niya ang sinabi ni Serenity noon, hot daw si Ashur. Bakit naman siya pipili ng hindi? She laughed at her own remarks. It's still early in the morning. Pero pinag-nanasaan niya ang ex niya. She shook her head to erase those thoughts.

"Woah. May lamay ba? 'Di ako na-inform ah." sabi nito nang humarap na 'to sa kan'ya.

Napa-irap naman siya. "Gago. Ikaw ang pagla-lamayan kapag 'di ka umayos." she said and give him a smirk.

Napa-lunok naman 'to sa sinabi niya. "Easy, lady. I'm just joking. You look gorgeous, baby." sabi nito at kinindatan pa siya.

"Ewan ko sa'yo. Umagang-umaga inu-uto mo 'ko." sabi niya rito bago naglakad patungo sa dining at umupo.

Naka-sunod naman 'to sa kan'ya dala-dala ang breakfast nila.

"Here's the foods. But, I'm not joking. Mukha kang tao ngayon, in fairness naman." sabi nito bago tumakbo pa-balik sa kitchen.

"Bwisiiiit ka! Matandang pangit na 'di pa na-liligo! Uhugin! Ma-baog ka sana!" sigaw niya rito.

Bumalik naman 'to na may dalang— two cups of black coffee. Umupo na 'to sa tapat niya.

"Matanda lang ako sa'yo ng isang taon. Gwapo ako sabi nila, so hindi ako pangit. Hindi pa ako na-liligo kasi wala naman akong damit na dala. Pero naghilamos naman ako at toothbrush. At hindi ako uhugin dahil wala naman akong sipon. Mas lalong 'wag mo naman sabihin na ma-baog sana ako. Pa'no kita aanakan niyan? Gamitin mo kaya 'yong chlorine na na-kita ko sa laundry area para luminaw 'yang mga mata mo?" sabi nito na suggestive pa talaga ang boses.

"Bwisit ka. CEO ka sa lagay na 'yan? Anong oras na andito ka pa."

"Ay wow, Madam. Ipinag-luto na nga kita tapos iinsultohin mo ako? Grabe ka naman." ma-dramang sagot nito.

Napa-irap na lang siya. "Whatever, tanda. Bilisan mo na dyan. Maghuhugas ka pa after." sabi niya at nagsimula na siyang kumain.

Na-aninag niya 'to na tumingin sa kan'ya at umiling pero hindi na umangal pa sa sinabi niya. I still won.

It's already 8 in the morning. Pero andito pa rin siya sa penthouse niya. Ang magaling kasi na Ashur, nagpapahintay. Hinintay mo naman. Gaga ka rin.

Naka-upo siya sa sofa ng living room. Nasa tabi niya ang aso niya at ang bag nito. Si Ashur ang pagbi-bitbitin niya ng bag pero siya na ang bahala kay Hunter. Masisira ang aura-han niya kung siya ang magbi-bitbit ng bag nito.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon