Chapter 33

11 2 0
                                    

Andito siya ngayon sa living area. Nagmo-movie marathon habang natu-tulog pa si Serenity. Naka-pagluto na rin siya ng lunch kaya kakain na lang sila kapag gumising na 'to.

"Airish! Airish! Airish!" rinig niyang sigaw ni Serenity kaya napa-takbo siya papasok sa kwarto nito.

"What? What? What? Ano? Bakit? May sunog ba?" tarantang tanong niya. Tinawanan siya nito. "What the hell! Serenity!"

"You look like a..." pinandilatan niya 'to kaya hindi na tinuloy ang sasabihin. "Anyway, bakit magkasama kayo ni hottie Ashur kaninang umaga?" tanong nito sa kan'ya at pinag-taasan pa siya ng kilay.

"H-ha? Magkasama? Hindi kami magkasama kanina. Sa'n mo naman na-kuha ang chismis na 'yan?" sagot niya at umiwas ng tingin.

"Alam mo, Airish. Ate Airish, magaling kang magsinungaling. 'Yon nga lang. Hindi mo ako maloloko. May pruweba ako." pinakita nito ang iPad na hawak nito. "Ayan oh. Magkasama kayo. Nasa Starbucks at may LQ pa."

"What?! Sinong chismosa ang nag-post na naman niyan?" kinuha niya rito ang iPad at tiningnan ang headline.

Spotted: Airish Rodriguez and Ashur Martins— Lover's Quarrel at Starbucks!

May mga pictures silang dalawa ni Ashur sa loob ng Starbucks na mukha talagang nag-aaway, pati ang pag-walk out niya, pagpapa-take out ni Ashur ng pagkain nila, pagsuyo nito kanina at pagsakay niya sa taxi. Suyo?! Anong suyo ang sinasabi ko?

"Oh 'di ba. Huling-huli. Fresh news."

"Hindi kami nag-LQ. Dahil wala namang kami. Mga chismosa 'yan. Pinagkakitaan pa ako."

"Eh, bakit ba naman kasi sa Starbucks pa kayo nag-away?"

"Bwisit kasing lalaki na 'yon. Kinakausap ng matino, puro oo, hindi, at iling lang ang sagot sa 'kin."

"Ay. Bakit? Jowa ka?" pang-aasar nito.

Sinamaan niya 'to ng tingin. "Hindi. May sinabi ba ako?" sagot niya bago umupo sa dulo ng kama.

"Eh, ba't kung magalit ka para kang jowa na hindi kina-usap?"

"Hindi nga ako jowa. Bakit masama na ba magtanong? Eh, malay ko ba kung ano ang ginawa ko sa kan'ya para magalit siya. Nagpasalamat naman ako dahil pina-tulog niya ako sa penthouse niya. Tapos siya pa galit."

"Ano? Na-tulog ka sa penthouse niya? Akala ko ba ikaw ang nag-asikaso sa 'kin kagabi? So, you mean, hindi talaga ikaw? Iba ang nag-asikaso sa 'kin kagabi? You know that— kada may sakit ako hindi ko na-aalala ang mga nangyari— kung sino ang nag-alaga sa 'kin, o kung may tinawagan ba ako o kung ano ang ginawa ko. That last thing I remembered is— ang pag-uwi ko galing sa pakikipaglaro sa mga goons."

She bit her lips. Hindi niya puwedeng sabihin. She needs to divert Serenity's attention. "May sinabi ba ako na na-tulog ako sa penthouse no'n? Mali ka nang na-rinig. Dito ako na-tulog."

Inirapan siya nito. "Eh, bakit magkasama kayo? Don't you dare lie to me."

Kumunot ang noo niya. Bakit ba kasi hindi ko na lang sabihin sa kan'ya ang totoo? "Bumaba ako kanina. Nag-crave kasi ako ng cake galing sa Starbucks."

"Nag-crave ka? Bakit? Buntis ka ba?"

"What?! 'Di ba puwedeng gutom lang?"

Pinanliitan siya nito ng mata. "You're not lying, are you?"

Eh kasi naman! Bakit ba ako na-damay sa dalawang 'to. Pagkain lang naman ang habol ko kanina. "Basta 'yon nga ang nangyari. Hindi matinong kausap ang mayabang na 'yon." pag-iiba niya ng topic.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon