Dogsitter. 'Yan siya ngayon. Ashur the great dogsitter. Napa-iling nalang siya. Nagpapa-kain siya ngayon ng mga aso. Aso lang naman ang ina-alagaan niya pero daig pa ang mga bata sa kulit at ikot na ikot ang buong penthouse niya. Aso dapat ang nagba-bantay hindi ba? Hindi tao ang magba-bantay sa aso. Lalo siyang napa-iling sa na-isip niya.
Tumunog ang doorbell niya. Kumunot naman ang noo niya. Wala naman siyang ina-asahan na bisita. Lalong wala naman nakaka-pasok ng basta-basta sa building na 'to at lalong-lalo na kung sa penthouse niya ang tungo kung walang permission niya.
Tumingin siya sa peephole. Pero wala namang tao sa labas. Kaya dahan-dahan niyang kinuha ang baril niya na naka-tago sa ilalim ng sahig na malapit sa pinto. Sumilip siya ulit sa peephole. May na-aninag siya sa bandang kanan. Dalawang lalaking naka-bonnet at naka-suot ng pure black na damit. Tangina naman. Kung kelan naman may aso na iniwan sa kanya saka naman may magta-tangka sa kanya. Peste.
Ayos lang siya na ma-sugatan. He's Hunter. Pero yung Hunter the dog— hindi pwede. Siya ang mapa-patay ni Airish kapag may nangyari sa aso na 'yon. Buti pa yung aso mahal. Sana all. Kinuha na niya muna ang mga aso at ipinasok sa bedroom niya. Dahil baka ma-damay pa ang mga 'to sa sobrang ka-kulitan.
Kinuha naman niya ang remote control. Remote controlled ang lahat ng pinto sa loob ng penthouse niya. Kaya hindi basta-basta ito mabubuksan ng kahit sino. He positioned himself— 5 meters apart from the door saka pinindot ang control. Ang hirap talaga ng maraming business patok na patok sa mga talunan. Pumasok naman agad ang dalawang tanga at hindi man lang siya na-pansin. Tanga talaga. Hindi na niya hinayaan pa na mas lalong maka-pasok ang mga 'to. He aimed their head and heart. Bakit niya bubuhayin kung wala rin naman ibibigay na impormasyon ang mga iyon sa kanya. Kaya mga tanga lang na tao ang nagpapadala ng mga tauhan nila para patayin siya. Tangang amo, tangang tauhan.
Tumawag siya sa isa sa mga tauhan niya. "Clean this mess here in my penthouse." sabi niya at pinatay na ang tawag.
Napa-iling na lang siya. A-alis na lang muna siya rito. Dahil baka dumating si Airish at ma-abutan ang ganitong eksena.
Kinuha na niya sa loob ng kwarto niya ang mga aso pati ang mga bag nito na lalagyan ng mga gamit. Daig niya pa ang may dalawang kambal na bata. Jusko. Ano ba naman 'to? Napa-iling na lang siya sa itsura niya ngayon. Buhat ang dalawang aso sa magkabilang braso niya at naka-sukbit sa magkabila niyang shoulder ang mga bag. Dog-daddysitter. Tangina lang.
Dumiretso na siya sa elevator. Iniwan lang niyang naka-bukas ang pinto ng penthouse niya. Wala naman magtatangka na pumasok doon. Dahil sa dalawang katawan na nasa may pinto lang— nakahandusay at na-liligo sa sariling mga dugo. Sa kotse niya na lang tatawagan si Airish at sasabihin na wala siya sa condo niya.
Pagkarating nila sa parking area niya dumiretso na siya agad sa sasakyan niya. Kung may pa-Ford Sports Car si Airish kanina. May pa-Ford Mustang Shelby GT500 naman siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Deceiving You
Fiksi UmumAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...