This chapter is a 3rd Omniscient POV.
———————Pumasok na sila ni Ashur sa loob nang mag-announce na ang emcee na magsisimula na ang program for the party.
Nililibot ni Airish ang mata niya kung sakaling may makita siya na kakaiba sa event na 'to.
She's feeling a bit strange. Parang may mali. O baka nag-o-overthink lang siya sa mga bagay-bagay.
Nang makarating sila sa designated table nila ay ipinag-hila siya ni Ashur ng upuan kaya umupo na siya and uttered a thank you.
She's just hoping that mali lang siya ng nararamdaman.
Kanina pa nararamdaman ni Ashur ang pagiging aligaga ni Airish. Mag-mula ng pumasok sila rito sa loob. Kanina pa 'to naglilibot ng tingin. Kahit kanina pa nagsisimula ang program o kung may nakakatawa man na sinabi ang emcee ay hindi man lang 'to nakikisali sa pagtawa.
Kunot noo na tinanong niya 'to. "Are you okay? Kanina ka pa hindi mapakali."
Tiningnan siya nito at ngumiti lang bago tumango. Pero hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Somethings bothering her. At ganoon din siya. Hindi nga lang niya alam kung parehas ba sila ng nararamdaman o hindi.
Nasa kalagitnaan na ang program nang mas lumakas ang kabog ng dibdib ni Airish. Fuck it. May mali talaga.
Bumulong siya kay Ashur. "Is this place secured?"
"Yes. As far as I know, nagkalat ang security namin dito."
"Then why am I feeling this?"
"Na ano?"
Sasagutin niya sana ang tanong nito nang makita niya ang pulang dot sa dibdib nito. Shit!
"Dapa!" sabay nilang sigaw ni Ashur.
Sabay silang dumapa at narinig na nila ang sunud-sunod na pagtama ng mga bala malapit sa kanila.
Nagtitilian at nagtatakbuhan ang mga guest sa loob ng hall kaya nakuha nila ang pagkakataon na 'yon para magtago.
Hinanap naman ng mata ni Ashur ang mga magulang niya. Nakita niyang ligtas ang mga ito kasama ang mga tauhan nila.
"Get my parents out of here and keep them safe. Hanapin niyo at patayin ang mga hayop na 'yon." utos niya sa mga tauhan niya through his earpiece na hindi kapansin-pansin dahil sa pagiging transparent.
"Yes, Boss!" sagot ng mga 'to.
"Rys, where the fuck it came from? Akala ko ba secured ang venue na 'to." ani niya kay Syrus na siyang nagsisilbing mata at sniper nila mula sa malayo.
"Fuck! I'm still searching kung sino 'yon and I will surely kill that fucker." inis na sambit nito.
Hindi na niya 'to nasagot dahil sa mga nakapasok na kalaban at nagsimula nang pagbabarilin sila. Fucking shit!
Nasa kabilang dulo si Airish. Nakikita niya ang mga magulang ni Ashur na ine-escort papalabas ng building na 'to at si Ashur na nagko-command gamit ang earpiece? Bakit hindi niya napansin na may suot ito na earpiece kanina? Oh damn it, Airish! It's not the time to guess or what so ever.

BINABASA MO ANG
Deceiving You
General FictionAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...