Chapter 49

9 2 0
                                    

Airish brows knitted. Sinong magulang? Sino ang naging magulang ni Regina noong mga panahon na hindi nila 'to kasama?

She's trying to remember if she saw her before or met her. Pero hindi niya maalala dahil hindi lahat ng ala-ala niya ay bumalik na. Going through those shitty drugs and induced coma are a lot for her mind to take in. But, she's trying, definitely trying her best.

"Where the hell,  did I heard that name, before?" She murmured.

She shut down the laptop bago pumunta sa bed at nahiga. Naririnig niya pa rin ang pag-uusap nila pero mukhang wala na siyang makukuhang impormasyon dahil puro pagmamalaki ang naririnig niya mula kay Regina.

"I'll go ahead na, mommy, daddy." Paalam ni Regina.

She's thankful at tapos na rin 'to sa pagmamalaki ng sarili dahil kulang na lang ay magkaroon ng ipu-ipo sa lakas ng hangin nito.

"Thank care, anak. Please, don't put yourself in any kind of  harm. Don't involve yourself with that Martins." Sambit ni Rosalinda.

"Mommy, I want Ashur. Kaya pupunta at pupunta ako sa kan'ya. I want him alone. for. me."

Napa-irap na lang siya sa narinig niya.

"Thalia. May asawa ka na. Kaya utang na loob. Stay away from Martins." Matigas na sambit ni Severino.

"He'll die soon. Kaya magiging asawa ko rin si Ashur."

Airish scoffed. Hindi niya maintindihan ang takbo ng utak nito. Manang-mana sa mga magulang nito.

"Bye, mom, dad."

"Bye, anak."

Narinig niya ang pagsara ng pinto ng sasakyan. Inihatid pa ng mga ito si Regina.

"Sana all." She scoffed.

Aalisin na sana niya ang suot niya na earpiece nang marinig niya ang usapan ng mag-asawa bago niya naramdaman ang matinding sakit ng ulo.

"Mukhang mahaba pa ang buhay ni Kuya."

"They don't know anything kaya walang magiging problema." Sagot ni Rosalinda.

Airish held her head. Napakasakit ng ulo niya at hindi niya malaman kung bakit. Nang hindi na niya makayanan ang sakit ay napasigaw siya ng malakas.

"Aaaaaah! Aaaaaaah!"

She can feel her head throbbing in severe pain. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang naririnig niyang mga pagkatok sa labas ng pinto.

"Ate! Ate!" Sigaw ni Serenity sa labas ng pinto.

She's trying to calm herself pero walang epekto dahil sa sakit na nararamdaman niya. It's getting worse and it damn hurts like hell.

Narinig niyang bumukas ang pinto bago siya nawalan ng malay.


"Mommy, who is she?" Tanong ng batang nasa harapan niya.

Nandito siya ngayon sa kusina ng mansyon nila sa Italy. Kagaya ng dati ay katulong pa rin ang lagay niya sa pamilya niya.

Kung titingnan ang batang nasa harapan niya ngayon ay magkasing-edad lang ito at si Serenity. 9 years old na siya ngayon. Apat na taon na rin mula nang dalhin siya rito sa Italy.

"Don't mind her." Sagot ng Mommy niya.

Napayuko na lang siya mula sa narinig niya at tumalikod bago nagsimulang maghugas ng mga plato. Napupuno na ng hinanakit ang munting puso niya. Ang dami niyang tanong sa isipan kung bakit ganito ang trato nito sa kan'ya. At mas lalong bakit 'mommy' ang tawag ng batang ito sa ina niya. Mag-a-ampon na naman ba sila?

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon