Chapter 22

10 2 0
                                        

He sighed. Andito siya ngayon sa balcony. Umiinom ng beer. Tangina puro na lang inom. Pagkatapos nilang kumain kanina— iniwan siya agad ni Airish at nagkulong sa kwarto nito. Mukhang ayaw talaga nitong pag-usapan nila ang mga nangyari noon. Kung sa bagay siya mismo, hindi niya alam kung kaya n'ya bang sabihin ang lahat kay Airish. Hindi naman niya puwedeng basta sabihin dito ang lahat.

Mission ang habol niya kay Airish. But, the past is still hunting them. Kahit anong iwas nila— bumabalik o babalik ang lahat sa nakaraan. Dahil tulad ng sabi ni Airish— they are both a victim. Hindi nila ginusto ang lahat pero sadyang sila ang gusto ng tadhana na pahirapan.

Hindi siya nag-sinungaling kay Airish tungkol sa pagka-tao niya. May inilihim lang siya— mafia. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan— sana hindi na lang niya ginulo si Airish. Sana minahal na lang niya 'to sa malayo.

Nang sabihin ni Airish na na-kidnapped 'to kasama ang bunsong kapatid— pumasok sa isip niya na baka siya ang dahilan. At kung may kinalaman nga sa kan'ya kung bakit 'to na-kidnapped at namatay ang kapatid nito— hindi niya mapapatawad ang sarili niya.

3 years of courtship and 2 years of relationship. At eto sila ngayon. Limang taon na magkakilala pero may ini-lihim pala sa isa't isa. Limang taon na hindi nagkita pero dala pa rin hanggang ngayon ang sakit ng nakaraan.

He chuckled. "7 years. 7 years of relationship na... sana." bulong niya sa hangin.

It's already sunset. Time to prepare a meal pero ayaw niyang gumalaw. He just want to watch the sunset. Kung puwede lang na sa paglubog ng araw ay siya ring paglubog ng nakaraan. Pero hindi puwede, dahil lilitaw pa rin ang araw sa kinabukasan tulad ng paglitaw ngayon ng masasakit na ala-ala. Lumitaw man o lumubog ang araw, kailangan pa ring magpatuloy sa buhay at tanggapin ang katotohanan. Katotohanan na hindi lahat ng hiniling ay makukuha at may dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay.

He sighed heavily. Gulong-gulo na siya sa nararamdaman niya. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin niya. Ang sinasabi ng isip niya o ang sinisigaw ng puso niya. He needs to talk to his mother. Kailangan niya ngayon ng payo nito.

He opened his phone and call his mom. After four rings sumagot 'to.

"Hello, son." malambing na bati ng mommy niya.

"Hello, mom." pilit niyang pinapa-sigla ang boses niya.

"May problema ka ba? Do you want to talk about it?"

He sighed. Kilala talaga siya ng mommy niya. "I just want to talk to you."

"About? Tell me, anak."

"Anong dapat kong sundin, mom? My heart that says fight for it or my mind that says stay out of it?"

"Is it about a girl?" she asked. He just sighed as a response. Kaya nagsalita 'to ulit. "Is it Airish?"

He sighed again and nodded as if she can see him. "How did you know na si Airish?"

She sighed. "Anak. Remember sinabi mo sa 'kin when we had dinner last time— may partnership ka with RGC. And I know na ang CEO ay si Airish. Your dad told me about it."

Napa-kunot ang noo niya. Why did his dad told his mom about it?

"Anak, if I were you... let your heart win this time. Tama na ang pag-iwas. Both of you suffered already dahil sa nangyari noon. And you didn't even said nor explained to Airish kung bakit mo siya iniwan noon. Alam kong natatakot ka para sa kan'ya. Pero hindi ba mas dapat kang matakot kung wala ka sa tabi niya? Kasi hindi mo alam kung ano ang nangyari sa kan'ya at maaring mangyari pa. Alam kong hina-hanap mo siya noong panahon na magising ka from coma. At sinundan mo pa siya sa Harvard kahit nagrerecover pa rin ang katawan mo noon. You love her, anak. Up until now mahal mo pa rin siya pero dine-deny mo lang sa sarili mo. Go and fight for her. Kung alam mo naman na may ipaglalaban ka." sabi ng mommy niya. "'Wag tanga anak sayang ang pagiging summa cum laude mo." biro nito at tumawa pa.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon