"Ate, uwi na tayo."
'Yon din ang hiling ng nakatatandang kapatid. Ang maka-uwi sila. Pero paano sila uuwi kung ang sarili mismo nilang tahanan ang siyang naging impyerno ng kanilang buhay.
"Ate... uwi na tay-o."
Gustong sumagot ng bata na wala na silang uuwian pa. Dahil ito ang tahanan nila. Pero hindi nito magawa dahil alam nitong hindi siya maiintindihan ng kapatid.
"Shh... kain na tayo. Kailangan kumain tayo. Hindi tayo puwede maging mahina." ang tanging na sambit nito sa nakababatang kapatid.
Walang patid ang pagpapahirap ng lalaki, minsan pa'y may kasama itong babae. Na siyang guma-gamot sa lahat ng natatamong sugat ng bata mula sa latigo o sa mismong palad ng walang awa na lalaking iyon.
Gusto nang magmaka-awa ng batang babae. Gusto na nitong tumigil at kung puwede ay mamatay na lang. Pero hindi. Hindi puwede dahil kapatid nito ang magdurusa kung mawawala ito sa mundong ito.
Kahit mura pa ang isipan ay alam na nito kung ano ang kahihinatnan nilang magkapatid kapag sumuway sila sa mga utos nito.
"Bilisan n'yo kumain! At linisin n'yo ang buong warehouse na 'to! Ayokong makakita ni-isang kalat!" sigaw sa kanila ng lalaki. Narito na naman ito para sila'y pahirapan.
Kung pu-puwede lang na sabihin ng bata na— hindi kalat ang pinapalinis nito kundi mga katawan ng taong pinapatay nito. Pero hindi maaaring magsalita o magreklamo ang bata rito. Kundi walang makakain o maiinom ang magkapatid.
Walang nagawa ang dalawang paslit kundi ang kumain ng mabilis at magsimula na sa palilinis ng buong warehouse.
Halos maduwal na ang dalawang bata sa bawat katawan na kanilang hinihila. Ang iba'y mulat pa ang mata o 'di kaya'y na ngangamoy na ang katawan.
Kung bibilangin ngayon ang bangkay na kanilang hinila papalabas ng warehouse na ito— nasa sampung katawan. Sampung tao ang pinatay ng bata ngayong araw.
"Tao pa ba siyang matatawag? Bata pa ba siyang maituturing? O isang kriminal?" Paulit-ulit na tanong nito sa isip.
Sa bawat araw na nagdaraan ay wala ng nararamdaman ang bata ni-isang awa sa taong kan'yang binabawian ng buhay.
Ang tumatak sa isip ng bata ay— kung hindi siya ang papatay, sila ang papatayin.
Ngayong araw, hindi baril ang hawak nito. Kundi katana, na siyang gagamitin nito para pumatay.
Pinapakita sa kan'ya ngayon ng lalaki ang dapat nitong gawin. At sa bawat pagtama ng katana sa katawan ng tao, ay siyang tilamsik naman ng dugo sa katawan ng bata.
"Wala na bang katapusan 'to?" usal ng bata. Habang naririnig niya ang bawat unggol at iyak ng mga taong nasa harapan nila ngayon.
"Nakita mo ba? Isang hiwa, isang lagot ng hininga." matigas na sabi ng lalaki.
Walang nagawa ang bata kundi ang tumango at hawakan ang katana na inabot nito kanina. Mas ma-ikli at mas magaan ito kumpara sa ginamit ng lalaki.
"Simulan mo na ang ensayo mo." utos nito sa bata.
Ensayo? Kelan pa naging ensayo ng isang bata ang pumatay?
Nanlalamig man ang katawan ng bata ay lumapit na 'to sa unang tao na itinuro nito.
Tinitigan ng bata ang babaeng nasa harapan nito. Ang mga blangko nitong mata na siyang nagpa-nginig lalo sa babae.
BINABASA MO ANG
Deceiving You
General FictionAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...