He's inside a warehouse right now. They'll be having a smuggled firearms transaction with one of their clients. He should be focusing to it, but all he could think is— Airish and their conversation.
"Hunter, you okay bud'?" tanong ng kasama niya sa grupo.
"Yeah. Just thinking of something. Asan na ba sila? Kanina pa tayo nandito." paglilihis niya sa tanong nito sa kanya. Ayaw niyang mas mahalata nila na lumalayag ang isip niya kanina pa.
"Malapit na raw, boss." sagot ng isa.
Ang usapan nila ay alas-onse ng gabi ang transaction nila dito sa loob ng warehouse na 'to. Pero lagpas na sa oras ng napag-usapan nila wala pa rin ang mga 'to.
Maya-maya lang ay may mga sasakyan na rin na dumating. At bumaba na mula sa sasakyan ang katransaksyon nila.
"Good Evening, Mr. Chu. Andito na lahat ng napag-usapan nating mga firearms. You can check it if you want to." pagbati niya dito.
"Ah! Yes of course. I'm sorry for the delay." sabi nito. "Tingnan n'yo na kung tama at hindi kulang." pag-utos nito sa mga tauhan nito.
Gusto na niyang matapos 'tong gabi na 'to. It's been a long day. Pero ang kabagalan ng mga 'to ang nagpapatagal pa lalo ng gabi niya. Hindi pa naman mahaba ang pasensya niya kung hindi lang talaga malaki ang deal na 'to kanina n'ya pa 'to iniwan.
"Ayos na, Boss. Kumpleto at bago." sabi ng isang tauhan ni Chu.
"Ibigay n'yo na ang bayad." utos naman nito sa mga tauhan na nasa likod nito na s'yang may bitbit ng pera.
Inilapag naman ng mga 'to ang mga duffel bag na may lamang pera sa harap nila. Inutusan niya naman ang isang kasama niya na i-check kung tama ang ibinayad sa kanila.
"Tama ang perang ibinigay, Hunter." sabi nito sa kanya.
"Good." sabi niya rito. Bago bumaling kay Chu. At nag-angat ng kamay para makipag-kamay. "It's nice dealing with you, Mr. Chu."
Nakipag-kamay naman ito sa kanya. "Likewise, Hunter. Likewise. Kaso mukhang may i-init ang ulo sa ating dalawa." tumawa pa ito pagkatapos sabihin iyon.
Nagtaka naman siya kung sino ang tinutukoy nito. May ideya na nabubuo sa isip niya pero ipinag-walang bahala nalang niya ito. Matapos nilang makuha ang pera ay umalis na sila.
Gusto na niyang matulog. Ngunit ayaw man niyang maalala ang nangyari kanina pilit na isinusuksok sa isipan niya.
He's a total jerk or ass sa mga sinabi niya kay Airish. Pero iyon ang totoo. Ayaw naman niyang magsinungaling pa rito. He knows that she is raging mad kanina. Gusto niyang yakapin ito noong nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Masakit para sa kanya na ang babae na minahal niya at nagawa niyang saktan noon ay sinaktan na naman niya ngayong araw na 'to.
"Hunter... Hunter... Hunter!" bumalik siya sa realidad ng makita niyang nasa Quarters na sila ng hindi man lang niya namamalayan at tinatawag na siya ng pinsan niya na kasama niya ngayon.
Bumaba na siya ng sasakyan at sumabay sa paglakad nito.
"What's happening to you? Kanina ka pa tulala at nawawala sa sarili. Kanina ka pa namin tinatawag at kinaka-usap sa sasakyan pero wala kang imik." tanong nito sa kanya.
"Wala. I'm just... tired. Ang dami kong trabaho at mga meeting ngayong araw tapos ang tagal pa ng intsik na 'yon dumating." sagot niya. Dahil ayaw niyang sabihin dito sa ngayon ang tunay na dahilan.
"Okay. Whatever you say. Kunwari nalang naniwala ako sa mga sinabi mo." naiiling na sagot nito sa kanya. "Basta if you need someone to talk to. Nandito lang ako. Corny ampucha." natatawang sambit pa nito.

BINABASA MO ANG
Deceiving You
Genel KurguAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...