Chapter 23

9 2 0
                                    

Airish woke up feeling cold and warm at the same time. She still wants to sleep kaya sumiksik siya lalo sa unan na nagbibigay ng init sa kan'ya, until she felt it moves and hugs her tightly. What the hell. Napa-mulat siya agad.

Anak ng... yakap siya ni Ashur at yakap niya rin 'to. She blink rapidly wishing it's just a dream. Pero hindi. Kaya napa-balikwas siya ng bangon. Tiningnan niya ang suot niya. Thank God! I'm still clothed! Ugh!

She looked at Ashur. Tulog pa rin 'to. Kaya dahan-dahan siyang bumaba ng kama at tumalikod saka napa-hawak sa ulo niya. Alam niyang umagang-umaga pa lang pero... tangina talaga.

Hindi niya alam kung paanong gano'n ang puwesto nila. Right. Damn it. Hindi na niya kina-usap si Ashur kagabi at hindi niya namalayan na naka-tulog na siya sa kotse. Ugh! Gaga ka talaga, Airish!

Ni-hindi niya alam kung nasaan sila maliban sa sinabi nito na 'somewhere in Baguio'. She feels cold kaya naghanap siya ng masusuot niya. Wala naman siyang dalang jacket. She opened the cabinet near her and she finds her clothes and Ashur's clothes hanging there. Anak ng... Ni-lagay ni Ashur ang mga damit niya including her underwear! Oh gosh.

She can feel her cheeks burning. Kaya kumuha na siya ng jacket ni Ashur na unang na-kita niya. Lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa hagdan habang sinu-suot ang jacket.

Na-kita niya ang mga aso nila malapit sa fireplace. Malamig talaga. Hindi na niya ni-lapitan ang mga 'to at lumabas siya. She wants to see kung asan sila.

Na-tulos siya sa kinatatayuan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Na-tulos siya sa kinatatayuan niya. What the hell. Wala man lang bang hindi mayamanin na bahay ang mga Martins? She knows it's just a rest house. Pero seriously? This house?! Sumasakit ang ulo niya sa mga na-iisip niyang bahay ng mga Martins.

Alam niyang mayaman din sila pero hindi naman siya lumaki sa poder ng pamilya niya. Kaya hindi pa rin siya sanay sa mga mararangyan bagay. She has material things pero... oh gosh. Ayaw na niyang mag-isip.

Pumasok na siya sa loob at dumiretso sa kitchen. Maghahanda na siya ng breakfast. At sana may stocks sa bahay na 'to. And wow... meron nga. Mukhang may mga nagdala ng lulutuin nila rito.

She sense a presence behind her pero hindi niya pinahalata na alam niya. She search for a knife. It's better if she's ready. Paglingon niya...

"Good Morning, Mam." bati ng isang matandang babae.

Shit, Airish. Gusto niyang kurutin ang sarili niya. Bakit niya ba na-isip na kalaban ang nasa likod niya kanina. Her mind still thinks about what happened last night.

Ngumiti siya rito. "Good Morning po."

"Ako na mam magluluto. Ma-upo na muna kayo ro'n sa living room." sabi nito sa kan'ya.

Tumango at ngumiti na lang siya bago umalis sa kitchen dahil nahihiya siya sa ginawa niya kanina. Mabuti na lang at hindi niya hawak ang kutsilyo kanina kundi baka inatake pa sa puso ang matandang babae. Oh gosh. Nakakahiya ka, Airish.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon