Chapter 41

15 2 0
                                    

"How is it going, Airish?" Tanong ng Daddy niya sa kan'ya.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad patungo sa malaking bintana sa loob ng opisina ng daddy niya.

"We're working on it. Masyado lang mahigpit ngayon ang security ni Martins. Pero makukuha rin namin siya." Sagot niya habang tinatanaw ang mga bulalak sa hardin nila.

"Gusto ko na siyang mawala sa lalong madaling panahon. Ikaw lang ang maaaring pumatay sa kan'ya." Gigil na sambit ng ama niya.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil siya lang ang puwedeng pumatay kay Martins. May batas na sinusunod ang organisasyon ng Mafia sa buong mundo. Only the Heir can kill the other Heir. Dahil kung hindi 'yon susundin ay mauubos ang buong lahi at miyembro ng sinuman na susuway. Hindi niya malaman kung ano ba talaga ang gusto ng mga 'to— maayos na samahan o magulo. Napapailing na lang siya kapag naaalala niya ang mga batas na binuo.

Rules of Mafia Organization

1. No one's allowed to declare himself/herself in public as a Mafia Lord/Heir/Member.
2. No one's allowed to gather information about the mafia's immediate family.
3. Mafia Name and Mafia Lord codename are known by the organization.
* Inside their own Mafia— Everyone should only be known by their code names.
4. Legal business kept unknown.
* CEO's a civilian or from the mafia.
** CEO's identity is confidential.
*** CEO's should only report to the Mafia Heir.
5. Killing's allowed except killing the Mafia Lord.
* Mafia Heir can only be killed by a Mafia Heir. If failed to do so, the organization will have the right to kill the certain mafia and its members.
6. Mafia should have a database of their Lord, CEO, and Members.
* It's the Mafia's responsibility to protect their database against their enemies.

Golden Rule

No one in the organization should know the Mafia Heir except the Mafia Lord and CEO of Legal Business.
* If their Mafia Lord or Heir show themselves— no one's allowed to speak nor spread their real identity to the other members.

Isang linggo na nilang sinusubukan na kunin si Martins pero mas humigpit ang security nito. Ni hindi 'to lumalabas na mag-isa. Ayaw naman niyang idamay ang mga inosenteng tao dahil alam niyang kapag kinuha nila si Martins sa public place ay maraming madadamay at mamamatay. At ayaw na rin niyang malaman pa ng organisasyon ang gagawin nila. Kaya nag-iisip siya ngayon ng ibang paraan.

See you soon. Pumasok sa isip niya ang note na iniwan ni Ashur sa kan'ya noon sa Spain. She smirked, See you soon, yabang.

"Alis na 'ko, Dad. Don't worry about it. Makukuha ko rin siya. Give me three days, tops." Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at lumabas na siya ng opisina nito.

Dahan-dahan ang paglalakad na ginagawa niya at pinagmamasdan ang bawat sulok ng mansion. A three-floor mansion that has a Spanish and modern touch, lahat ng gamit nila rito ay mamahalin kaya napakarami nilang katulong para maglinis ng buong mansion. Ngumiti siya at napailing nang sumagi sa isipan niya ang mga ala-ala niya sa mansion na 'to.

Habang naglalakad siya patungo sa nakaparada niyang kotse ay tumunog ang cellphone niya. Serenity's calling her.

"Hello." Bati niya rito.

"Hanggang kelan ako magbabantay kay Ashur? Ang pagod girl, ah." Pagrereklamo nito sa kan'ya.

Napairap na lang siya sa sinabi nito. Pumasok na muna siya sa loob ng sasakyan niya bago 'to kausapin. "Nagbabantay ka lang naman sa malayo. Para namang naaarawan ka. Sigurado naman akong nasa malamig na lugar ka o 'di kaya ay mahangin."

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon