Chapter 21

21 2 0
                                    

Ashur's been staring at Airish sleeping face for a while now. Dinala na niya 'to sa kwarto nito. After finishing 15 bottles of alcohol— kumuha pa ulit si Airish ng 5 bottles of beer. Ito lang ang umubos ng beer at ayaw magpa-pigil. Kaya eto si Airish ngayon— literal na sabog. Hair all over the place, one hand— above her head and the other— below her chin, at naka-nga-nga while softly snoring.

Up until now hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Airish kanina. He's shocked and guilty. Guilty for not being beside her when she needed him the most. Marami pa siyang gustong itanong kanina pero ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ni Airish. I'll ask some other time and I hope you'll answer, Airish.

He kissed her forehead before going out and head towards his bedroom. It's 5 in the morning. Time to fucking sleep.

He woke up feeling the sun hitting his face. Hindi niya pala na-ibaba ang blinds bago siya na-tulog kanina. He groaned and search for his phone on his bed. Na-kuha naman niya agad kaya tiningnan niya ang oras. 8am. What the fuck.

He groaned in annoyance. Gusto niya pang matulog. Sumasakit na rin ang ulo niya sa dami ng ininom niya. Airish. Kung masakit ang ulo niya. Mas lalong masakit ang kay Airish. Tangina inom pa.

Bumangon na siya sa kama at nagsimula ng maghilamos at mag-toothbrush. Magluluto na lang siya ng breakfast. Hindi na rin naman siya magkakatulog kahit bumalik pa siya sa kama.

Pumunta na muna siya sa kwarto ni Airish to check on her. Tulog pa rin. Na-tawa pa siya sa itsura nito ngayon. Naka-dapa na pero naka-nga-nga pa rin. Napa-iling na lang siya.

Pumunta na siya sa kitchen at uminom ng gamot para mawala na kahit konti ang hangover niya. Kumuha na rin siya ng tubig at gamot— inilagay niya sa kwarto ni Airish para may mainom 'to na gamot kapag gumising. Goodluck sa hangover.

He then started cooking— fried rice, scambled eggs, bacons, tocino, at tuyo. Nagchop rin siya ng kamatis para sa tuyo. He finished cooking by 9:15am. Inisa-isa na niyang ilagay sa dining ang mga niluto niya. On his way back to the dining, bitbit ang tuyo— nakita na niya si Airish. Naka-upo pero naka-subsob ang mukha sa lamesa.

"You okay?" tanong niya.

"Damn, ang sakit ng ulo ko! Ugh!"

"Inom pa."

"Kasalanan mo 'to." inangat nito ang ulo at tiningnan siya ng masama.

"What? Nag-suggest lang ako. Pumayag ka naman. So, it's both our fault."

Inirapan siya nito. "Bakit gising ka na agad?"

"Kasi hindi na ako tulog." pamimilosopo n'ya.

"Ugh. Whatever."

Bumalik siya sa kitchen to get some coffee. Parehas silang masakit ang ulo at alam niyang hindi gagalaw si Airish sa pagkaka-upo nito.

"Here's your coffee, Kamahalan." nilagay niya sa harap nito ang coffee.

"Thanks." she murmured and unconsciously sip on her coffee. "Shit!" sabi nito at inilabas pa ang dila at pinaypayan to ease the pain.

Na-tawa naman siya. "Bakit mo ba kasi ininom agad? Alam mo naman na mainit ang kape. Sarap ba? Ano feeling?" asar niya.

Sinamaan siya nito ng tingin. "Bweset ke!" bulol na sabi nito.

Humagalpak naman siya ng tawa. "Sabog ka pa rin hanggang ngayon."

She cleared her throat. Nawala na ata ang paso sa dila. "Ugh. Ayaw ko na uminom. Never again."

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon