Chapter 4

23 6 0
                                    

It's been 2 weeks. Two weeks na simula ng binigay ng Dad ni Airish ang mission sa kanya. Pero wala pa siyang naging progress. Maliban sa huling pag-uusap nila ni Ashur sa office niya noong contract signing and her dad is bugging her already.

"Any news about the Mafia Heir?" tanong nito sa kanya thru phone call.

"May nakuha akong informations but hindi pa ganoon ka-concrete. I'm still trying to gather information. Masyado lang talagang maraming work ako ngayon, Dad." kagat-labi n'yang sabi. Dahil wala pa talaga siya halos nakuha.

"Bilisan mo ang pagkuha ng information, Airish. Naiinip na ako." inis na sabi nito sa kanya.

Gusto niyang sabihin dito na hindi ganoon kadali ang pinapagawa nito. Pero wala s'yang magagawa kundi sumunod. "Yes, Dad."

"Good. Now do your job better." huling sabi nito bago s'ya babaan ng tawag.

Napapikit s'ya ng mariin. Kung bakit ba naman kasi kailangan niya pang alamin at patayin ang Mafia Heir ng kalaban nilang mafia. Bakit ba hindi na lang makuntento ang Daddy niya sa powers na meron ito. Lalo pa s'yang nahihirapan dahil marami na s'yang tinatrabaho sa company gusto pa nito nang agad-agad na progress.

Her other phone rings while she is signing a document. "Yes?"

"Nahanap na namin si Chu, Bella." sagot nito sa kanya.

"Where? Asan ang hayop na instik na 'yan." nag-init bigla ang ulo n'ya.

"Andito sa Batangas nagtatago." sagot nito. "Anong gagawin namin?"

"Hintayin n'yo ako diyan. Pupunta ako. 'Wag n'yong iwawala sa paningin n'yo ang instik na yan." sabi niya bago binaba ang tawag.

Tinawag n'ya ang secretary niya at ipinahanda rito ang helicopter ng company nila. Gusto n'yang makarating agad sa Batangas para makausap ang intsik na 'yon.

"The helicopter is ready, Mam." sabi ng secretary niya.

Tumayo na siya sa swivel chair at nagsimula na s'yang maglakad papunta sa elevator. Habang paatas s'ya sa rooftop, ay nag-iinit talaga ang ulo n'ya. Gusto n'yang manakit sa pagkakataon na 'to.

Pagkarating n'ya sa rooftop wala na s'yang sinayang na oras, pumasok na agad s'ya sa loob ng helicopter at sinabi niya sa pilot na sa Batangas Rest House s'ya dalhin. Tumango naman ito at pinalipad na ang helicopter.

Pagkarating nila sa rest house, pinaalis na n'ya ang piloto. Magda-drive nalang s'ya sa mismong lokasyon ni Chu. Walang helpers dito kaya madali lang s'yang makakagalaw. Pumasok na s'ya at nagbihis para hindi s'ya makilala ng mga tauhan nila, maging si Chu.

"Send me the exact location." sabi niya sa kausap niya sa cellphone pagkatapos ay pinatay niya na agad ang tawag.

Pagkatanggap n'ya ng text nito ay nagdrive na s'ya patungo roon. 20 minutes ang tinagal ng byahe niya. Pagkarating n'ya ay agad siyang sinalubong ng mga tauhan nila.

"Asan na siya? Sigurado ba kayong hindi pa nakakatunog ang Chu na 'yon?" tanong niya agad sa isa.

"Nasa loob pa rin, Bella. Hindi pa umaalis simula kanina." sagot nito sa kanya.

They went to the warehouse where Chu is hiding. Kumatok siya sa gate at pagbukas palang ng pinto ay pinaputukan niya na agad sa ulo ang unang taong nakita niya. Mula sa gate ay kitang kita na ang maraming tauhan ni Chu na nagbabantay.

"Wala akong pakialam kung papatayin n'yo o bubuhayin n'yo sila. Basta akin si Chu." matigas na sambit niya.

"Yes, Bella!" sagot ng mga ito sa kanya.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon