This is a 3rd Omniscient POV.
----------------------
One week had passed. Mula nang makasama ni Ashur ang asawa niya. Puro sa tawag o text lang sila nagkakausap.
Ashur sighed as he misses his wife even more. Andito siya ngayon sa Spain. May mga inasikaso siya tungkol sa business.
Dapat ay uuwi na siya pero sinabi ng asawa niya kagabi na pupuntahan siya nito sa Spain at hindi niya alam kung saan 'to manggagaling dahil hindi nito sinabi sa kan'ya. Kaya andito siya ngayon sa hotel restaurant for the breakfast buffet dahil dito raw di-deretso ang asawa niya.
His wife promised him na makakasama niya 'to— for a few hours. He sighed again makikita niya ang asawa niya pero ilang oras lang. Napailing siya sa naisip niya. Dapat siyang matuwa na makikita niya 'to at makakasama pero hindi niya maiwasan na malungkot. It's tiring— ang ganitong set-up— pero wala silang magagawa kundi manatiling ganito.
Kanina pa siya rito— 6am yet 9am na wala pa ang asawa niya. Baka wala talagang darating. He sighed napatitig na lang siya sa pagkain na nasa harapan niya. Nawawalan na siya ng pag-asa nang may humalik sa pisngi niya.
"Bonjour, Chérie. Désolé, je suis en retard." Hello, hon. Sorry I'm late. Bati ng asawa niya bago 'to maupo sa harapan niya.
He stared at her. "Merde. Tu es là." Fuck. You're here. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang asawa niya. His wife that he wanted to see is here— finally.
His wife chuckled mukha na siguro siyang tanga ngayon dahil nakatitig pa rin siya hanggang ngayon dito. "Je vais juste chercher à manger." I'll just get some foods. Paalam nito sa kan'ya at hinalikan siya sa labi bago 'to nawala sa harapan niya.
Hindi pa rin siya makapaniwalang pumunta talaga ang asawa niya. One week of missing her will be worth it kahit ilang oras lang. He smiled at his thoughts.
Airish smiled nang makita niya si Ashur sa hotel restaurant na pinuntahan niya. Looks like hindi nasayang ang pagpunta niya rito. Mag-isa lang 'to at walang kasama. Time to take some actions. She smiled inwardly, kukuha na muna siya ng pagkain bago umupo sa harapan nito.
Habang kumukuha siya ng pagkain ay sinusulyapan niya 'to. Laki ng ngiti ni yabang, ah. Dahan-dahan siyang lumapit dito, sinisigurado lang niyang wala 'tong kasama.
"Good morning, Ashur." Bati niya rito bago 'to nginitian.
Kumunot ang noo ni Ashur sa narinig niya. Nakita niyang umupo si Airish sa harapan niya kasabay ng pagtunog ng iPhone niya— iMessage.
From: Chérie
Profite de ta journée.
Enjoy your day? Anong ibig sabihin ng asawa niya? Binasa niya ulit ang message nito at napabugtong-hininga na lang siya nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin.
"Yow. Wassup?" Pagbibiro ni Airish kay Ashur. Daig pa kasi nito ang napag-iwanan. "Ayos ka lang?" Tanong niya pero hindi siya nito pinansin. "Salamat, Doc." Sarkastikong sambit niya bago 'to sinamaan ng tingin.
"Ha?" Tanong nito bago nag-anggat ng tingin sa kan'ya. "Bakit gan'yan ka makatingin?"
"E'di pinansin mo rin ako sa wakas." Kumunot ang noo nito sa kan'ya. "Para kasing pinagbagsakan ng langit at lupa ang kasama ko." Sarkastikong sagot niya.
Umiling si Ashur sa sinabi ni Airish. "Kasama pala kita?" Walang gana na sabi niya.
"Ay hindi. Kaluluwa ko lang 'to. Sa ganda ko na 'to hindi mo alam? Bumaba na ba ang IQ mo?" Umirap sa kan'ya si Airish bago kumain.
BINABASA MO ANG
Deceiving You
General FictionAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...
