Hindi siya naka-imik sa sinabi ni Ashur sa kan'ya. They both fell into silence. Does she have to explain? Pero bakit naman siya mag-e-explain?
"I'll be going. Sorry." sambit ni Ashur matapos nitong inumin ang beer.
She just looked at him as he walked away. Susundan niya ba? Pero para saan? Damn it.
"Can you drive?" tanong niya rito nang makita niya 'tong malapit na sa main door.
Tumango lang 'to sa tanong niya. "Good night, Airish. Sorry for the trouble." paalam nito.
She briskly walked towards him. "You're drunk. Magpasundo ka na lang sa pinsan mo. Baka ma-aksidente ka pa." sabi niya rito.
"Why? Why do you care?"
Bakit nga ba, Airish? "Just... just call your cousin. Just stay for a while." lumapit siya rito at hinawakan sa braso. "Just stay and wait for him."
Hindi 'to sumagot o kumibo sa kan'ya kaya hinila niya 'to pa-upo ulit sa sofa. Mabuti na lang at hindi na 'to nagpumilit na umalis. He also texted his cousin which she's thankful for.
"I'm sorry." sambit niya bago umupo sa tabi nito. She feel like she has to say sorry. Kahit hindi niya alam kung tama ba ang salitang sorry. "I... don't know, what to say. I just..." huminga siya ng malalim. "Magnus' a friend. A dear friend of mine."
"And your fiancé." dagdag nito.
Pikit matang tumango siya. He's right. Fiancé niya si Magnus kahit wala pang official engagement na nangyayari. "He's a friend, Ashur. That kiss was just a friendly gesture. Nothing else."
Narinig niya 'tong bumugtong hininga. "It's alright. I'm being nonsense tonight."
"Ashur..." mahinang sambit niya. Speak, Airish! Oh gosh!
They were silent again. There's a pressure in the air and it's suffocating. Hindi naman ganito si Ashur noon. And to think that they didn't saw each other for the last three days tapos may ganitong nangyari ngayong gabi. It's really a long day for her.
She heard a beep from Ashur's phone. "I'll get going. Nasa baba na ang pinsan ko." sabi nito bago tumayo at iwanan siya sa sofa.
Sumunod siya kay Ashur. Why am I feeling this way? "Ashur—."
"Good night, Airish." paalam ni Ashur bago nito isarado ang pinto at bago man lang niya matapos ang sasabihin niya.
"Good night." bulong niya sa hangin.
"Bro! Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Syrus sa kan'ya nang sumakay siya sa sasakyan nito.
"Nothing." maikling sagot niya. He's not in the mood to talk.
"Anong nothing? Eh, sa pagkakatanda ko, dito ang penthouse ni Airish." tanong nito bago pa-andarin ang sasakyan.
Umiling siya. "May kina-usap lang ako."
Tumingin 'to sa kan'ya at kumunot ang noo. "Kinausap? Kinausap o nakipag-inuman? Amoy na amoy ko ang alak sa 'yo. Inubos mo ba ang lahat alak sa bar? Saka sino naman pinuntahan mo?"
"Wala. Just drive." malamig na sagot niya rito.
"Woah! Chill! Eto na tatahimik na ang gwapong Syrus."
Hindi na niya 'to pinansin at tumingin na lang siya sa labas. Nag-iisip siya kung tama ba na pumunta siya sa penthouse ni Airish? Tama ba na nagselos siya? Ano bang karapatan niyang magselos? Nakaka-gago.
BINABASA MO ANG
Deceiving You
General FictionAirish and Ashur, their presence screams rich and glamour. CEO of their own companies all over the world. A member of the two biggest rival Mafia. Both given a mission by their own Mafia Lords-- to gather information through the CEO and kill the Maf...
