Chapter 35

10 2 0
                                    

It's been a long day for Airish. Ang dami niyang pinirmahan na papeles at meetings na pinuntahan. Kung puwede nga lang ay umuwi na siya at matulog, 'yon nga lang— family first.

Nasa isang restaurant siya—family dinner, kasama ng pamilya nila ang mga Abellana. Hindi niya inasahan ang arrange marriage na ginawa ng magulang niya. Akala niya ay wala sa isip ng mga 'to ang gano'ng bagay. Pero sabi nga nila 'maraming namamatay sa maling akala'.

"We should pick a wedding date!" ani ng mommy niya.

"Yes! We should set it sooner! The sooner the better." pagsang-ayon ng ina ni Magnus.

Nagka-tinginan silang dalawa ni Magnus at ngumiti sa isa't isa. Wala naman siyang maipipintas sa lalaki dahil mabait naman ito. Hindi ito ang tipo ng lalaki na magpapahiya ng kahit sinong babae. He's indeed a gentleman. Matagal na niyang kilala ito, he's actually one of her suitors before pero tinanggihan niya. And she just offered a friendship. Kaya kung tuloy man ang engagement nilang dalawa ay wala naman siyang reklamo. Tutal wala naman siyang boyfriend dahil sa pagiging mapili niya sa lalaki.

"You okay?" bulong ni Magnus sa kan'ya. Magkatabi nga pala sila dahil sa kagagawa ng mga magulang nila, para raw makita na ng mga tao na sila talaga ang para sa isa't isa.

"Yeah. It's kinda weird." sumulyap siya sa mga magulang nila na walang patid ang pag-uusap para sa kasal nila.

"Yeah." he chuckled. "You rejected me before, then now, I'm your fiancé."

She grinned. "Well, hindi ka naman lugi."

He smiled at her. "Yeah. Sino naman ang malulugi kung isang Airish Rodriguez ang pakakasalan? No one would decline you— with your grace and beauty not to mention your abilities as a CEO."

"Masyado mong pinapa-laki ang ulo ko."

"I'm just stating a fact."

"Don't tell me, hindi ka pa rin nakaka-move on sa 'kin?" pagbibiro niya.

Tiningnan siya nito at umiling. "Sabihin na lang nating 'wala pang dumarating na hi-higit sa 'yo', but I tried dating women 'yon nga lang... wala, eh."

She chuckled playfully. "It's been years, Magnus."

"I know. Ikaw pa lang ang pasok sa standards ko."

"Dapat ba akong magpasalamat na pasok ako sa standards ng isang Magnus Abellana? The perfect and gentleman CEO." she playfully said.

Na-tawa 'to sa sinabi niya at umiling. "Parati ko na lang nari-rinig ang perfect at gentleman na 'yan."

"Why? Totoo naman, ah. You're to good to be true."

"Yeah. To good to be true na ina-ayaw-an ng mga babae." ngumiti 'to sa kan'ya bago uminom ng wine.

She felt bad. Isa kasi siya sa mga babaeng in-ayaw-an 'to. "I'm sorry. Hindi naman kita in-ayaw-an dahil sa 'to good to be true' ka. I'm just... not ready for a relationship that time."

"It's okay. Hindi lang naman ikaw ang nag-reject sa 'kin. And also, don't feel bad about it. Matagal na 'yon and now look— andito tayo at pinagkasundo sa isa't isa. Mukhang dito papasok ang 'it's sweeter the second time around.'" sabay silang na-tawa sa sinabi nito.

"Ang corny mo, ah. May ka-corny-han ka rin pa lang alam."

They both laughed again. They are both oblivious from the stares their getting— from their family and people inside the restaurant that's also taking some pictures of them.

Deceiving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon