CHAPTER 1

187 19 0
                                    


Diana Ezia Salvatorie POV


"Ikaw naman po, mahal na prinsesa." Nakangiting pagbibigay daan saakin ni Mariq.


Marahang lumakad ako patungo sa mangkukulam na talaga naman may nakakatakot na anyo. Ilang ulit na kaming sinabihan noon na huwag na huwag kami pupunta sa kakahuyan kung saan matatagpuan ang makasaysayang lahi ng mga mangkukulam subalit nagmatigas kami ni Mariq.


Ayon kasi sa narinig namin, nakakahula ang mangkukulam ng hinaharap. Yun ay dahil mayroon itong tinataglay na kakaibang kapangyarihan na maihahalintulad sa makasaysayang 'Zeus Eye' na matagal ng hindi nag e-exists sa kalawakan.


"Huwag kang matakot, mahal na prinsesa. Kita mo nga't hindi naman niya ako sinaktan ng hinulaan niya ako kanina." Si Mariq.


Sukat doon ay lumakas ang loob kong utusan ang mangkukulam.


"Kung ganun, inuutusan kita." Taas noong wika ko.


"Inuutusan mo ako?" Napangising balik tanong nito na tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.


"Ganun nanga." Sagot ko. "Bilang prinsesa ng kontinenteng ito kung saan ka naninirahan. Karapatan kong utusan ka." Dugtong.


"Kung ganun, ami na ang kamay mo munti kong prinsesa." Natatawang utos nito.


Nainis man ako sa ginawang pag-utos nito sa isang prinsesang katulad ko ay ibinigay ko pa rin ang kamay ko dito. At katulad ng naging reaksyon nito kanina kay Mariq, ganun din ang naging reaksyon nito saakin.


Tumirik ang mga mata nito at pumilig-pilig ang ulo.


"Simulan mo na mag tanong sakanya, mahal na prinsesa." Utos ng alalay nitong mangkukulam din.


"Magiging high priestess ba ako ng Ziren Temple?" Tanong ko.


Sa kasalukuyan kasi, pinag-aaralan ko na ang maging orakulo ng kontinente namin. Ayoko rin naman kasing mag-asawa ng kung sino lang. Hindi naman tutol si amang hari sa gusto ko lalo pa at si Kuya Niros naman ang tagapagmana ng kontinente namin habang si Dimitria naman na bunso naming kapatid ay tila nagnanais naman makapagasawa.


"Hindi ko nakikitang mamumuno ka sa isang relihiyosong templo. Bagkus ay nakikinita kong mamumuno ka sa pinaka malaking kontinente." Ani ng mangkukulam na may hawak ng kamay ko.


"Ano!?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Napaka imposible naman ata niyan! Paanong mangyayari 'yun? ang nakakatanda kong kapatid na si Prinsipe Niros ang nakalaan bilang susunod na tagapagmana namin." Wika ko.


"Hindi pa nagkamali ni minsan sa nakikita niya ang aming pinuno, mahal na prinsesa." Sabat ng kasama nito.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon