Dallas Arthemis Columbus POV
Pakiramdam ko ay napapaso ako ngayon na para ba akong demonya na pumasok sa loob ng simbahan. Dahil sa lihim na takot ng mga kapatid ko sa hari ng mga demonyo na si Dirk ay sapilitan akong ipinasama ng mga ito dito sa Foresteroz kasama nito.
Kinakailangan kasi ng isang Wulfric na represintate para sa tribal wedding na ito sa pagitan ng mga bagong leader ng Xoxcazashta. Isa ang mga Xoxcazashtanian people sa mga pinakamatatandang lahi ng Novaliz kaya ganito nalang kaimportante na dumalo ang tatlong representateng pamilya ng mga kontinente.
Si Emperor Dirk Izunia para sa Salvatorie, si Prince Viol para sa Forester at ako nga na napilit lang mula sa Wulfric.
Sa tuktok ng bundok matatagpuan ang tribo ng mga ito. Ang bundok din na yun ang siyang pinakamataas na bundok na matatagpuan sa Novaliz kung kaya naman sampung araw din ang itatagal ng paglalakbay namin bago kami makarating sa wakas doon. Espesyal na van din ang gagamitin naming sasakyan para mas mapabilis ang pagdating namin sa nasabing lugar upang hindi na din lumagpas pa sa nasabing araw ang magiging paglalakbay namin.
Madalang lang din sila makita kaya it's an honor na masaksihan ko ang isa sa mga ninuno namin sa wakas. Ang problema, eto nanga... hindi ba't hindi maganda ang huling encountered namin ni Dirk sa Oceanica? So since ng mangyari yun ay hindi na ako nagpapakita dito.
Ang problema ay sapilitan nga akong pinasama dito ng mga kapatid kong may takot pa rin saakin hanggang ngayon. So eto ako ngayon at hindi malaman ang gagawin lalo ng malaman kong sa iisang van lang kami sasakay kasama ni Prince Viol na prinokrama ang sarili bilang matalik na kaibigan daw ng lahat.
Lahat nalang ay kumpare niya!
Maskina si Dirk ay kumpare din daw niya.
Kung papaano at kailan? Hindi ko din alam.
"Dati naman kayong mag-asawa diba?" Si Prince Viol. "Kayo nalang ang mag tabing dalawa." Nakangiting suhestiyon nito saakin.
"Ah, hindi..." Mabilis na tanggi ko. "Hindi pwede kasi hindi kami okay ngayon." Dugtong ko sabay lihim na nilingon ang pinag-uusapan namin na nakikipag-usap sa lolo ni Viol na dating hari din ng Foresteroz bago ito sakupin ni Dirk at ama din ni Oma Valeska na unang asawa ni Diland.
"Yun nanga, hindi kayo okay kaya dapat kayong maging okay lalo na at sa Xoxcazashta tayo tutungo kung saan ang mga nilalang ay pawang mga istrikto at malakas ang pakiramdam. Baka pag hindi nila nakitang ayos kayo ay hindi mo magustuhan ang gawin nila sainyo." Kibit balikat na wika nito.
Sukat dun ay kinabahan naman ako.
"Bakit? Anong gagawin nila?" Kunot noong tanong ko.
"Hmmmm..." Putol nito. "Actually, hindi ko din alam?" Dugtong nito na halos ikabagsak ko tulad sa mga anime. "Pero sure ako na may hindi sila magandang gagawin oras na makita nilang hindi kayo okay kaya naman be okay, okay?" Parang sirang plaka na tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...