CHAPTER 41

80 12 2
                                    


Dirk Izunia Salvatorie POV


Tahimik na pinaglalaruan ko ang laruan kong kahoy na ipakikita ko kay Papa sa oras na magkita na kaming muli habang inaantay matapos makipagusap si Mama.


Hindi ko alam kung anong lugar itong pinuntahan namin na halos puro nyebe lamang ang makikita. Gumamit kasi si Mama ng mahika upang makarating kami sa lugar na ito at halos lahat ng nilalang dito ay pawang mga kakaiba kumpara sa mga ordinaryong nilalang na nakilala ko sa Earth.


"Hindi mo na dapat isinama dito ang batang si Dirk, Diana." Seryosong wika dito ng lalaking may matatalim at asul na asul na mga mata na kamukha ng mga mata ko at talaga namang malaki ang pagkakahawig kay Papa. "Hindi na dapat niya makita ang araw na ito." Dugtong pa nito.


"Dapat lang niya makita ang mangyayari, Diland." Matigas na sagot ni Mama. "Hindi ba't dapat maging malakas ang loob ng mga itim na lobong katulad niya?" Tanong pa nito.


"Siya nga naman, King Diland." Sangayon ng ilan sa mga konsehong kasama ng lalaking kausap ni Mama kanina. "Kung makikita niya ang araw na ito ay tatandaan niya ito at dadalin niya hanggang sa pag tanda niya. Sa ganitong paraan ay mas titibay pa ang loob niya at magkakaroon siya ng mas malalim na panghuhugutan upang lumaban." Dugtong pa ng mga ito.


"Hindi ba't natatakot kayong matupad ang propesiya niya?" Galit na tanong ni Diland. "Bakit tayo gagawa ng bagay na maaaring ikalala lalo ng sitwasyon?" Tanong nito.


"Diland... Diland... Diland..." Si Mama. "Huwag mong sabihin saakin na mas pipiliin mo pang sundin ang kahilingan niya sayo kaysa sa tungkulin mo?" Tanong nito.


"Alam kong ginagawa mo ito para pagdusahin siya sa huling hininga niya sa mundong ito na kinakailangan mo pang idamay ang anak niyo para gawin ang kademonyuhan mo." Galit na wika ni Diland.


"Sino ba saatin dalawa ang mas demonyo?" Tanong ni Mama dito. "Hahayaan mo mamatay ang kapatid mo kapalit ng buhay ng anak mong taga Eos." Dugtong nito.


"Hindi totoo yan!" Si Diland.


"Lady Diana..." Singit na tawag dito ng isa sa mga konsehong kanina pa tahimik na nakikinig.


"Sandors, huwag kanang makialam." Saway dito ni Mama.


"Gusto kong malaman niyo na hindi kagustuhan ni King Diland na gawin ito sa kapatid niya kapalit ng buhay ng anak niya. Kung siya nga lang ang tatanungin ay mas nanaisin pa niyang mamatay ang batang gawa sa kasalanan kaysa mamatay ang kapatid niyang pag-asa ng pamangkin niya." Tuloy pa rin ni Sandors sa sinasabi nito.


"Talaga ba, Diland?" Si Mama. "Hindi ba't simula pagkabata niyo ay hindi na kayo magkasundo dalawa dahil lagi ka niyang kinaiingitan sa lahat ng aspeto? Ikaw lang naman sainyong dalawa ang tinitignan siya bilang kapatid. Huwag mong sabihin na sa kabila ng ginawa niyang pagsasa-ilalim sayo sa itim na mahika upang gawin ang kahayupan na yun sa Eosian na si Samarah ay mahal mo pa rin ang kapatid mo?" Insultong tanong dito ni Mama.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon