CHAPTER 40

87 10 3
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Ako ay pinagpalit, pero di yun masakit... alam niyo kung ano ang masakit? Yun ay mapenjok sa puwet." Kanta ni Kuya Davis.


"Pwede ba Davis! Manahimik kana nga lang kung wala ka rin matinong magagawa." Inis na saway dito ni Kuya Danier.


"Gaano kasakit yung ginawa ni Dallas sayo, Danier?" Tanong dito ni Dathor.


"Bakit hindi mo subukan ng malaman mo?" Pigil ang panggigil na tanong dito ni Kuya Danier.


"Free taste na penjok?" Yung kambal. "No way!" Sabay na tanggi ng mga ito.


"Dapat nating mapag-aralan kung papaano natin madidispatya si Dallas sa buhay natin oras na maganap ang The Eight Event. Hindi ako makapapayag na maging kapares siya at baka kung anong kagaguhan lang ang gawin saakin 'non." Si Kuya Denver.


"Sinong hangal ba ang gusto siyang makapareha?" Si Kuya Draken.


Tila hindi pa rin yata napapansin ng mga ito ang presensya ko kaya ganito nalang mag-usap ang mga ito ng tahasan patungkol saakin. Ayoko pa sanang sirain ang momentum nila pero kinakailangan ko ng sumingit sa eksena.


"Anong mayroon?" Tanong ko.

Halos sabay-sabay na napatuwid ng tayo ang mga ito dala ng matinding takot saakin. Tulad ng nauna kong sinabi noon, hindi ko ikinatutuwa na takot saakin ang mga ito dahil sa kagaguhan ko. Mas maganda sana kung dahil magaling o sadyang malakas ako. Kaso natakot ang mga ito dahil sa kalokohan ng isang gagang katulad ko.


"Na-Naririyan kana pala, sis!" Masayang bati kuno saakin ni Kuya Davis.


"Anong mayroon?" Tanong ko lang ulit sa halip.


"Nagsusukat kami ng panibagong opisyal na damit ng 'The Eight' para sa gaganaping event kung saan maglalaban-laban tayo sa pagsusulit upang magkaalamanan na kung sino saatin ang hihirangin pinakamalakas at para malaman na rin ang pagkakasunod-sunod ng lakas natin." Sagot ni Kuya Denver na tila nagagawa namang labanan ang takot nito kontra saakin.


"Ganun ba?" Tugon ko. "Nasaan yung para saakin?" Tanong ko.


"Ayan at nasa harapan mo lang, sis." Sagot ni Kuya Davis.


"Nasaan yung para saakin?" Ulit ko.


"Ayan nga at nasa harapan mo." Ulit din nito.


"Nasaan yung para saakin?" Ulit ko muli.


Kumunot na ang noo ng mga ito.


"Ayan nga at nasa harapan mo." Sabay-sabay na sagot ng mga ito.


Matalim ang tingin na tinignan ko ang damit na sinasabi nilang para saakin. Katulad ng mga damit nila ay kulay itim itong may disenyong pula at asul alingsunod sa kulay ng Wolveroz. Ang pinagkaiba lang ay pa-dress ang yari ng saakin habang panlalake ang sakanila.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon