CHAPTER 37

74 14 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Suot ang firefly path red elegant armor gown na binagayan ko ng diamond forehead tiara at bohemian hairstyle with flowers ay talaga namang kabogabol din ang datingan ko.


Wala eh, ganun talaga.


Minsan, kailangan maging bakla ng mga gwapong katulad natin.


Natatawang anas ko sa isip habang pinaglalaruan ng palihim ang rare tribal flower ng mga Xoxcazashta na talaga namang napakaganda at napakabango. Kulay puti ito na hinaluan ng asul sa gitnang bahagi at asul din na mga dahon.


Sa totoo lang, bilang lang talaga ang binigyan nito kanina sa tribo. Sa team namin ay tanging si Jayson at Dirk sa lalake ang nabigyan at tanging si Ryrah lang sa babae ang nabiyayaan. Pero dahil dakilang inggetera't sakim ako kung minsan ay inagaw ko ang bulaklak na ito isa sa mga taga tribong babae na hindi pa dumadating kanina.


Nung tinanong nga ako kung kasali ba talaga ako sa nabigyan ay mabilis na umoo ako bago pa bawiin saakin ang bulaklak na ito kanina. Buti nalang at nakalusot dahil hindi rin naman sila sigurado kung kanino nila ipinamigay yung mga magagandang bulaklak na ito.


Nagawa ko lang naman ang kagagahan na yun matapos mapaginteresan ang pobreng bulaklak. Hindi daw kasi ito nalalanta o nasisira ayon sa narinig ko kaya pwede ko pa itong i-uwi at i-display katulad ng ginawa ni Beast sa red rose niya.


Hindi ko tuloy namalayan na tapos na pala ang kasalan sa pagitan ng bagong leader ng Xoxcazashta. Nalaman ko nalang tapos na nung magpalakpakan sila Jayson. Tuloy ay nakipalakpak nalang ako ng malakas para hindi masabihang others.


Inabot na halos ng hating gabi ang kasiyahan sa pagitan ng pag-iisang dibdib sa wakas nila Ycoh Uklö at Yni Ӧscah. Halos malunod ako sa dami ng mga pagkain na nilantakan ko at mga pustahan sa paligid na sinalihan at napagtagumpayan ko.


"Pahingi pang beer!" Masayang hingi ko ng alak habang nakikipaglasingan sa mga tribal buddies ko na naging friend ko sa loob lamang ng maikling panahon.


Nakisayaw din ako sakanila ng tribal dance sa tabi ng malaking bonfire at nakipagtawanan na parang wala ng bukas. Hanggang ngayon ko lang naman kasi talaga pwedeng gawin ito dahil pagdating namin sa Wolveroz, ako na ulit si Princess Dallas na kinakailangan kumilos ayon sa katayuan ko sa lipunan.


Insert pwe! tayo sa part na yan!


"Master D." Si Yucah.


Nilingon ko ito at halos maduwal ako sa hilo dala ng ginawa kong pag lingon. Sa lakas ng tepsi ng tribal beer na ininom ko ay para yatang tutumba na ako anumang oras. Naging tomador naman na ako nung tumanda ako pero ibang-iba parin pala talaga pag hindi pamilyar sayo yung alak.


"Yucah 'ma djear!" Nakangiting salubong at yakap ko dito. "Shabihin mo shaakin... bakit hindi ko agad naiship gamitin ang zheus eye ko para mapag-aralan ng mabilish yung shalita niyo huh? Ang bubu ko sha part na yun. Shiguro yun din ginawa ni Devilsh King kaya ang bilish-bilish niyang matyutoooo." Umikot-ikot pa ako nung sinabi ko yun salitang 'matuto' sa mahabang paraan.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon