CHAPTER 33

70 13 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Basing Gore! Pasing-pasing-pasing dore!" Kanta ko habang bigay todong sumasayaw ako.


Halos mamutla naman ang mga kapatid ko sa harapan ko ngayon sukat sa ginagawa kong kagaguhan.


Kayo eh! Ininis niyo ako, ilang araw niyo akong tinaguan kaya pagtiisan niyo itong sayaw ko.


"Basing gore! Pasing-pasing dore!" Kanta ko muli.


Ulit-ulit ko na itong kinakanta at ulit-ulit ko na rin sinasayaw ang dance step ko na parang pang kalye. Sa halip na makipag-sparring sa mga ito ay sumayaw ako sa harapan nila na alam kong ikapuputla nila dahil mga Wulfric sila na hindi naakit sa kalahi nila. Kung Salvatorie siguro kami ay kanina pa ako nagahasa nito sa ginagawa kong kagaguhan na pag-papaalog sa dibdib ko at masayang pagsasayaw.


"Basing-gore...! Pasing...pasing...pasing...dore!" Kanta ko muli sabay salikop sa mga kamay ko habang magkadikit ang hintuturo ko na animo'y babaril ako.


Itunutok ko sakanila yun.


Subalit sa halip na baril ang isipin nilang gagawin ko ay ang 'rei-gun' version ko yata ang naalala nanaman ng mga ito. Labis na nag-violet at namuti ang mata ng mga ito dahil dun at walang alinlangan na nag kanya-kanya ng teleport patakas saakin.


"HOY! AYAN NANAMAN KAYO! BABARILIN KO LANG NAMAN KAYO AT HINDI PEPENJUKIN AH!?" Sigaw na habol ko pa sa mga ito pero wala na sila.


Takot sila masyado sa kalokohan kong yun na hindi ko matanggap. Dibali sana kung natakot sila saakin dahil sa lakas kong makipaglaban o di naman kaya'y sa galing ko gumamit ng mahika.


Kaso hindi eh!


Natakot sila dahil sa penjuk-weapon ni Dallas na nauna ng mabiktima ang kawawang Kuya Danier namin ng hindi sinasadya.


"Hindi mo dapat ginagawa sa harapan ng mga kapatid mo ang ginawa mo kanina, Dallas."


Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses nito na kay tagal na rin mag mula ng huli kong narinig. Mag mula kasi ng marinig ko ang usapan nito at ni Kuya Draken ay talaga naman tinataguan ko na ito sa tuwing umuuwi ito. Hindi ko na rin ginagalaw ang mga pasalubong nito na madalas pa rin nitong gawin sa kabila ng pagkawalan ng tugon nun mula saakin.


"At bakit naman hindi?" Walang gana na tanong ko dito. "Hindi kami Salvatorie na may malisya sa isa't isa." Dugtong ko.


"Kung sabagay?" Kibit balikat na wika nito. "Pasalamat ka at pawang kapatid ang tingin sayo ng mga natirang kapatid mo na naririto ngayon." Dugtong pa nito.


"At bakit parang sinasabi mo na minsan sa buhay ko ay may mga kapatid akong nagkagusto saakin?" Inis na tanong ko dito.


"Mayroon naman talaga." Sagot nito.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon