Dirk Izunia Salvatorie POV
Tahimik na sinusundan ni Desha ang bakas ng mga yabag ng kuya niya sa buhangin. Himalang hindi napansin nila Mama ang biglang pagkawala nito dahil na rin siguro sa pagiging abala ng mga ito sa pakikipagusap ng masinsinan patungkol sa trono.
"Kuya Dirk...?" Tawag nito.
Sigurado siya na naririto ang kuya niya dahil si Lord Izurel mismo ang nag utos sakanyang sundan ang kapatid niyang may supresa sakanya mula sa pagbabalik nito sa Wolveroz.
Sa edad niyang apat na taon ay matalas na ang kanyang isipan dahil na rin sa dugo niyang asul na Novalian.
"Kuya...?" Tawag niya ulit.
"Dito, Desha." Sagot nito.
Nakangiting lumakad ito papasok sa madilim na silid para lapitan ang kapatid niya ng matigilan siya. Ilan sa mga konseho nila sa palasyo ang naroroon kasama ng isang batang lalake na kasing katawan at tangkad ng kuya niya.
"Patawarin mo kami, kamahalan." Si Lord Izurel. "Ang gagawin namin sayo ay hindi lamang para sa kapakanan namin kung di para na din sa kapakanan ng Solteroz. Hindi maaring mag-hari sa kontinenteng ito ang kapatid mong demonyo." Seryosong wika nito.
"Ha...?" Nakangiti't inosenteng-inosente na tanong ng kapatid ko.
Maskina ang personal na damaja o mga tagapaglingkod ni Desha ay naroroon at pawang nakatikom lamang ang mga labi. Lahat sila ay batid naman ang mga susunod na mangyayari subalit wala ni isa man lang sakanila ang pumigil o nakaramdam ng awa.
"Halika dito kamahalan..." Tawag ni Yqah dito.
Ito ang pinakamalapit na damaja ni Desha at siyang pinagkakatiwalaan ni Mama para alagaan ito.
Mabilis naman na lumapit ito para yakapin ang katulong nito ng bigla nalang ito mawalan ng malay dahil sa naamoy nitong pampatulog na nakalagay sa damit ng damaja nito.
"Umpisahan mo na, bata." Walang emosyon na wika ni Lord Izurel.
"Sigurado ka bang hindi ito matutuklasan ni Queen Diana?" Tanong ng isa sa mga konseho.
"May nakahalo ng itim na mahika sa katawan ng batang lalake na yan. Ang demonyong prinsipe ang lilitaw na salarin sa krimen na ito na ating gagawin. Walang kahit na anong bagay ang magpapatunay sa kalawakang ito na inosente siya maliban sa dakilang libro na nilikha ni Emperor Nurant na nawawala ngayon." Sagot ni Lord Izurel dito.
"Kung ganun ay umpisahan mo nanga, bata." Utos ni Lord Lenord Fleuzet na siyang isa pa sa matinding promotor ng kademonyuhang ito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...