Leonard Cerkan Fleuzet POV
"Dirk... Dirk... Dirk..." Tulala at ulit-ulit na bigkas ni Dallas sa pangalan ng asawa nito.
"Dito na muna siya mananatili pansamantala, alingsunod sa kagustuhan ng kanyang ama." Si Headmaster Sandors. "Dito, tatanggalin sa utak niya ang lahat ng ala-alang mayroon siya patungkol kay Dirk." Dugtong pa nito.
"Pero lugar ito para sa mga pasyenteng baliw hindi ba?" Tanong ko dito.
"Hindi lahat ng naririto ay baliw, Leonard." Sagot naman agad nito. "Ang iba ay ipinapasok dito para maging ganun, at ang iba naman ay pinapasok dito para gawin ang gusto kong mangyari." Dugtong nito.
Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na nagawang traydurin ni Headmaster Sandors ang demonyong si Dirk. Ang akala ko kasi noon, sobrang mahal nito si Dirk dahil nanga rin napapakinabangan nito ito ng lubos.
"She trusted you, you know?" Tanong ko dito pagkuwan.
"She trusted us." Pagtatama nito.
Natahimik ako at tinignan ang babaeng wala man sa katinuan ay wala pa ring kapares ang angkin na kagandahan. Tulala ito at paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ng lalaking pinipilit naming ipakalimot dito ng tuluyan.
Sa ngayon, stage two na ang panggagamot na ginagawa dito. Meaning to say, unti-unti munang tinatanggal sa sistema nito si Dirk na asawa nito. Sa unang stage kasi ay may mga hallucination na ipinakita dito kung saan kasama nito ang asawa nito. Ngayon palang bale magsisimulang alisin unti-unti sa sistema nito si Dirk.
"You always have two choices in life, Lord Fleuzet." Si Sandors. "The one that will drag you down and the other one that will lift you up." Dugtong nito.
"At ano sa tingin niyo ang napili niyo, Headmaster?" Tanong ko dito.
Tumalikod muna ito upang maglakad na paalis bago sumagot.
"The second one." Sagot nito atsaka umalis.
Bahagya akong napaisip sa sinabi nito.
Sa totoo lang, mahal na mahal ko si Dallas at ayokong nakikita itong malungkot. Pero anong ligaya ko ng mapatay namin sa wakas ang demonyong asawa nito.
Naawa ako dito at nadamay pa ito sa plano naming lahat. Ito kasi ang nagmistulang pain para malaman namin kung magigising pa ba ang demonyong si Dirk.
Ten years ago, pinagtulungan ng ilang makakapangyarihang noble blood ang totoong si Dirk Izunia Salvatorie para patulugin sa loob ng katawan nito ng panghabang buhay. Yun ay dahil wala silang makita na solusyon kung papaano ito tatapusin.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...