Dallas Arthemis Columbus POV
Masayang hinihipan ko ang bubble blower na hawak ko para mag produced ng mga bula habang masayang pinapanood ako ng mga bata dito sa parke malapit sa masarap na kainang kinainan namin ng tanghalian ni Dirk.
Nang makita ko kanina na may nagtitinda nito ay dali-dali naman talaga akong tumakbo para bumili ng isa't sobra kong namiss na mag palobo nito. Todo pigil panga saakin si Dirk pero nawalan nalang ito ng choice matapos ko maging unstopabble.
"Bubbles pa, ateeee!" Pakiusap ng maraming bata saakin.
Ngumiti ako at sinunod naman ang pakiusap ng mga ito.
Wala akong pakialam kung marumihan ang pang-upo ko lalo't prenteng-prente na nakasalampak ako ngayon sa semento habang naka-straight parehas ang mga paa kong bahagyang nakabuka din.
"Bubbles pa ateeeeeeeee!" Pakiusap nanaman ng mga ito.
Pakiramdam ko tuloy ay para akong bata na ate ng mga ito ngayon. Hindi ko naranasan maging ate sa totoo kong kapatid at bunso na si Arzella dahil gaga pa ako 'non. Idagdag pa na sobrang bata ko pa noon kaya hindi talaga ako ganun kabait na kapatid.
Bigla ko tuloy na-miss si Shaigano na laging tumatawag saaking 'ate' noong nasa high school pa kami. Kung bakit ba naman kasi kahit gaano pa kayo ka-close noon, darating sa point na sa oras na magkahiwalay na kayo't magkaroon na ng mga sariling buhay ay marami talagang mababago.
Oo, nakakausap at paminsan-minsan ko pa rin naman nakakasama ang mga barkada ko? Pero aaminin ko sainyo na marami na rin talagang ipinagbago ang noon sa ngayon. Busy na masyado ang mga ito sa buhay at career nila habang ganun din naman ako.
"I miss my high school days..." Bigla ay naging gloomy na wika ko.
"You will going to be a wonderful mother, someday."
Mabilis na nilingon ko ang lalaking nag salita na bigla nalang tumabi saakin. Bagama't hindi ako nito nilingon ay inabot naman nito saakin ang ice-cream na ipinangako nitong ite-treat nito saakin kanina.
Kinuha ko naman yun bagama't nakakunot ang noo ko.
"Sabi ko sa apa ko gusto nakalagay yung ice-cream ko. Hindi ilagay ang apa sa ice-cream na naka-cup." Reklamo ko dito habang tinitignan ang malaking ice-cream kong nasa cup at nakatusok ang apa pabaliktad sa tuktok.
"Hindi magandang kumain sa apa ang isang matandang babae na katulad mo lalo't kung nasa public place na katulad nito." Masungit na sagot nito.
Aba't!?
"Matandang babae!?" Galit na ulit ko sa tinawag nitong yun saakin.
"Kumpara sa mga batang yan, matanda kana." Agad na depensa nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
AcakMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...