Dallas Arthemis Columbus POV
Masayang salubong agad ang natanggap namin mula sa mga nilalang na taga Xoxcazashta. Naririyang sumayaw sila ng tribe dance, sinalubong kami ng masagabong palakpakan at pinaulanan ng magagandang talulot ng mga bulaklak.
Pero kung may pinaka nagustuhan siguro ako sa mga ginawa nila yun ay yung pinakain nila kami. Don't get me wrong kasi marami din naman kaming baon na pagkain pero iba pala talaga pag tribal food. Ang sasarap ng mga luto nila na alam mong minana pa nila mula sa kinanununuan nila.
Ganito pala ang lasa ng mga sinaunang pagkain sa Novaliz! Anong sinabi ng mga pagkain na naangkat namin mula sa ibang planeta sa sarap ng mga pagkain dito. Tunay ngang mapapagmalaki namin na isa ang Xoxcazashta sa pinakamatandang lahi na pinagmulan naming lahat.
Tuwang-tuwa din ako sa tribal wrestling show nila na talaga naman may mga pustahan pa kung sino ang mananalo. Magaganda't pambihirang bato naman ang perang ginagamit nila na siyang ipinangpupusta din nila. Luckily, may pumayag na taga tribong makipagpalit sa perang mayroon ako para makasali ako kanina sa pustahan.
Isa kasi ito sa mga taga tribo na pinili na rin bumaba sa bundok at naririto lang ngayon para samahan kaming dumalaw dito. Ito na rin ang nagsilbing interpreter namin lalo't mga sinunang salita parin ang ginagamit ng mga Xoxcazashtanian.
"Ang ganda po dito, hindi ba?" Tanong ni Yucah na siyang sinasabi ko sainyo na dating taga Xoxcazashta na pinili ng manirahan sa patag.
"Tama ka." Sangayon ko dito habang binibilang ang mga pambihirang bato na nakolekta ko kanina matapos kong manalo ng sunod-sunod sa pustahan.
Ayaw panga akong paniwalaan ng mga kasamahan ko na hindi ako gumamit ng Zeus Eye kanina para malaman kung sino ang mananalo when in reality, instinct lang naman talaga ang pinagana ko para manalo.
I'm a gambler's luck y'know?
"Bukas pa po ang kasalan at alam kong napagod kayo sa mahabang biyahe na pinagdaanan natin pare-pareho." Si Yucah ulit. "Ihahatid ko na po kayo sa bahay na gawa sa mga sinaunang dahon na inilaan sainyo ni Ycoh Ulkü." Magalang na alok nito.
Si Ulkü ang kasalukuyang pinuno ng Xoxcazashta hanggang sa makasal ang anak niyang lalake na si Uklö sa mapapangasawa nitong si Ӧscah bukas. Ycoh naman ang idadagdag sa pangalan mo sa oras na maging leader kana dahil ito yung pinaka salitang 'hari' sa kanina habang Ynih naman ang sa mga reyna.
"Ganun ba?" Sagot ko dito sa wakas. "Ituro mo nalang saakin ang daan at ako na ang tutungo doon mag-isa." Nakangiting dugtong ko.
Ngumiti ito bago pagkiskisin ang mga palad nito at hipan yun ng may lumabas na kulay pink-violet na magical dust para ituro saakin ang daan. Hindi na ako nagtaka kung papaano ito nagkaroon ng kapangyarihan dahil alam ko naman na anak ito ni Ulkü. Ipinaglaban lamang nito ang edukasyon at sarili nitong buhay sa ama nito para makababa sa kapatagan sa kabila ng pagiging babae nitong taga tribo at halos parang prinsesa na rin kung matuturing.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
عشوائيMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...