Dallas Arthemis Columbus POV
Mabilis pa sa alas cuatro na napabangon ako matapos kong managinip mula sa nakaraan. Patungkol nanaman ito sa malagim na araw kung saan namatay si Dirk sa abandonadong gusali na yun.
"Good morning, Sleepy Head."
"Shara!?" Mabilis na pagkilala ko sa boses ng nag salita sa tabi ko.
"Dallas!" Nakangiting wika nito sabay talon upang yakapin ako ng mahigpit. "I miss you, Dallas!" Maluha-luhang wika nito.
"Anong ginagawa mo dito!? Paano ka napunta ditong bruha ka!?" Nakangiting wika ko.
"Syempre, kapatid ko si Kuya Shin na tapat na tauhan ni Lord Emperor Dirk." Nakangiting wika nito.
Lord Emperor Dirk...?
Kasabay nun ay biglang nagbalik tanaw saakin ang lahat ng mga nangyari bago ako makatulog ng tuluyan.
"Si Dirk!?" Mabilis na wika ko.
Nag sign ito na huwag akong maingay.
"I-address mo siya ng tama, Dallas. Hindi mo alam kung sino ang mga tauhan niyo na tapat na sakanya ngayon. Ilang araw ka rin kasing nakatulog ng mahimbing." Wika nito.
"Ilang araw na nakatulog ng mahimbing!?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango ito.
"Nang tinawagan ako ni Kuya Shin para puntahan ka dito ilang araw na ang nakalilipas ay mabilis na sinunod ko ito. Sa ilang araw na pananatili mo dito ay gabi-gabi kang pinupuntahan ng Lord Emperor. Pinapaalis niya kami ng mga damaja upang hindi namin malaman kung ano ang ginagawa niya sayo sa isang buong gabing mag damagan." Kagat labing wika nito.
"ISANG BUONG GABING MAG DAMAGAN!?" Malakas na sigaw ko.
Mabilis na tinakpan nito ang labi ko.
"Sinabi ko nang huwag kang maingay eh!" Anito.
"Paanong hindi ako mag-iingay gayong hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng hayop na yun saakin tuwing gabi, ha!?" Mariing tanong ko dito.
"Huwag kang mag-aalala at nauunawaan naman kita... Sa tingin ko, may alam kana rin sa totoong pagkatao niya gayong ganyan ka umasta." Anitong muli.
"Na siya ang totoong Dirk? Oo alam ko na ang tungkol sa bagay na yan noon pang nakatakas ako sa asylum na yun." Inis na wika ko.
Kitang-kita ko kung papaano ito lumabi.
"Eh bakit hindi ka man lang nagpakita o tumawag saamin after mong makatakas...? Siguro, hindi mo na kami lab noh!?" Akusa nito.
"Hindi totoo yan!" Mabilis na depensa ko. "Shar—"
"Hindi na kami lab ni Dallas!" Wika nito sabay takip sa mukha at iyak.
Daaaaaamn!
"Shara, masyado lang ako maraming inasikaso kaya hindi ko pa kayang makipag reunion sainyo noon. Pasensya kana." Sincere na paliwanag at paghingi ko ng tawad dito.
Mas lumakas lang ang iyak nito na siyang ikinataranta ko.
"Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na kayo mahal! Alam ko ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niyo na tinitignan ko sa Zeus Eye ko. Alam ko na naging successful kayo sa mga buhay niyo at alam ko rin na..." Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. "Alam ko rin na naghiwalay na kayo ni Hero ilang taon na ang nakararaan." Dugtong ko.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...