Dallas Arthemis Columbus POV
"Baliw, tanga, gaga, at punyemas ka talagang, Dallas ka!" Inis na kausap ko sarili. "Sukat ba naman na lumapit ka sa kuwartong yun at makipagjaming sa demonyong yun? Sinabihan kana nga ni Dirk na huwag lalapit sa totoong siya pero ikaw itong lapit ng lapit na bruha ka." Qiqil na dugtong ko.
"Dallas!" Masayang lundag at yakap ni Shara bigla sa likuran ko.
"Shara!" Gulat na tanong ko. "Saan kananaman galing na bruha ka!?" Natatawang tanong ko dito.
Ngumiti ito.
"Diyan lang sa tabi-tabi." Masayang sagot nito. "Siya nga pala, may supresa ako sayooooo." Parang bata na wika nito.
"Ano yun?" Nakangiting tanong ko naman.
"SURPRISE!" Malakas na sigawan ng mga kalalakihang tumanda man ang itsura katulad ko ay hindi ko magagawang kalimutan.
"UY! MGA ITLOG!" Masayang sigaw na bati ko sa mga ito na siyang kinasira ng mood nila. "Tang ina! Mukha pa rin pala kayong mga bugok!?" Natatawang biro ko sa mga ito habang isa-isang nilalapitan para suriin ang mga itsura.
"Master D, panira ka rin eh noh?" Si Shaigano.
"Tang ina! Tangkad mo na saakin ngayon ah? Dati-rati gang kili-kili lang kitang kupal ka!" Natatawang anas ko sabay akbay Shaiga.
"Syempre naman, Master D!" Proud na wika nito.
"Abaaaaa! Javu'n!? Laki na ng muscles natin ah!? Ibang klase ka." Natatawang alog ko sa mga balikat nito.
"Ganyan talaga nagagawa sa ng army life." Napapakamot sa ulo na sagot nito.
"Eto malala mga tol!" Natatawang wika ko. "WALANG PINAGBAGO!" Malakas na sigaw ko na sinundan ko ng malakas na tawa na siyang ginawa din nila. "MIKAEL!" Malakas na sigaw ko sa pangalan nito sabay yakap ng mahigpit.
"Ano baaaaa..." Parang inaantok nanaman na kawala nito saakin.
Nag tawanan tuloy kami lalo.
"Ano, Master D..."
"Hindi makakarating si Hero, Dallas." Si Shara na may himig ng lungkot sa boses.
Ngumiti ako.
"Don't worry, matagal nanaman na kami nagkita ni Hero." Paalam ko sa mga ito.
Nagulat sila sa sinabi kong yun.
"Paano!?" Si Mikael.
"Kailan!?" Si Javu'n.
"Saamin nga di nag paparamdam ang isang yun." Si Shaigano.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...