CHAPTER 39

77 9 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Nakangiting nag ba-bye wave pa ako sa huling bata na inihatid naming dalawa ni Dirk lulan ng truck ng mga holdapers na ito na rin mismo ang nag maneho.


Ipinagpapasalamat ko ang araw kung saan ipinagbawal ng palasyo na makita ng publiko ang mga royal blood na katulad namin sa media o mga litrato. Sukat kasi sa ginawa ng mga ito na yun ay malayang nakakakilos kami kahit papaano.


Malas nalang talaga namin kung natatandaan pa ng mga ordinaryong nilalang ang mga mukha namin noong mga panahon hindi pa ipinagbabawal kaming makita sa media.


Tulad ngayon, kilalang-kilala ng magulang ng batang ito kung sino kami ni Dirk kung kaya naman maagap na sinenyasan namin ito na huwag nalang ito maingay.


Buti nalang at gabi na kaya madilim na ang paligid ng mapaluhod ito kanina para mag bigay pugay saaming dalawa.


"Hindi ka rin mahilig sa mga bata noh?" Si Dirk na bigla nalang tumagilid ng tayo bahagya para bulungan ako habang kumakaway pa din sa batang pauwi na't isa sa iniligtas namin.


"Noon pa man mahilig na ako sa bata. Naalala ko nga bigla si Butcho, yung batang nakilala natin sa orphana—" Natigilan ako. "Sorry, hindi ko alam kung ikaw ba yun o siya." Dugtong ko sa naputol kong sinasabi kanina.


"Hindi nga ako yun pero ako yung nasa bus." Sagot nito na ikinagulat ko. "At ako din ang nagdidikta sa isip niya kung papaano ka mapapabalik ulit saamin." Dugtong nito.


Matagal ko itong tinitigan para alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo. Nang tila mapatunayan ko nangang totoo ang sinasabi nito ay dun palang ulit ako nakapagsalita.


"So sinasabi mo ba saakin na ikaw ang kupido naming dalawa, huh?" Tanong ko dito habang nakangiti.


Nakita ko na tila may kung anong emosyon ang gumuhit sa mga mata nitong mapanganib lagi kung titigan. Tila may halong selos at takot na naghari dun sa hindi ko malamang kadahilanan.


"I had to." Anito bigla sabay tingin sa mga mata ko. "Naguguluhan pa ako nung mga panahon na yun sa pagitan ng dapat ba kitang patayin at saktan dahil may kinalaman ka sa pagkamatay ni Papa ng hindi mo naman sinasadya o mas dapat kong unawain kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ko sayo dahil sa tuwing sasaktan na kita ay hindi ko naman magawa yun ng lubusan. Sa tuwing nakikita ko na napapaiyak ka niya noon ay pinahihirapan ko siya sa hindi ko rin malamang kadahilanan. Sa tuwing nakikita ko na maaring mawala kana saamin ay mabilis na lalabas ako para bawiin ka. Inisip nila noon na ginagawa ko yun para saktan ka na maskina ako sa sarili ko ay ganun na din ang iniisip. Pero ngayong matanda na ako ay mas naunawaan ko nang mabuti ang lahat. Hindi kita gustong saktan dahil minahal na kita mag mula pa noong mga panahon na binantayan kita."


Mahaba't kibit balikat na kwento nito.


Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti ng palihim at ma-touch sa mga kwento nitong ngayon ko lang naririnig at tila hindi pagsasawaang pakinggan.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon