CHAPTER 47

77 9 3
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Lihim na napapangiti ako habang sinusundan si Dirk na nauunang lumakad saakin dahil napakaganda naman talagang pagmasdan ng likod nito or should I say, halos lahat naman yata dito ay magandang pagmasdan.


Mas nakakabakla pa ang isang ito higit kahit kanino man. Sa kabila ng pagiging makapangyarihan at misteryoso nito ay willing na willing ito ipakita saakin ang lahat ng mayroon ito.


I like him the way he is...


Mabilis na binuksan ng tagapaglingkod ng palasyo ang pinto ng silid pulungan naming The Eight dito sa palasyo. Kasabay ng pagbukas nito ng pinto ang siyang pagbungad naman saamin ng mga nilalang na naghihintay sa loob.


Halos mawala ang ngiti ko ng makita ko sa wakas ang mukha ng ama ko na kay tagal na rin buhat ng aking makita. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa itsura nito ngayon. Tulad ng dati ay hindi nanaman maunat ang mga labi nito habang matatalim ang mga mata nitong nakatingin saamin.


Kapansin-pansin din na wala ang ilan sa mga The Eight  kong kapatid na usually ay naririto lang dapat. Si Kuya Danier, Denver, Davis at ang kambal lang ang naririto.


"Nakabalik kana pala, Diland." Si Dirk na hindi man lang natinag sa ama ko.


Mabilis naman na tumayo ang ama ko at mas lalo akong nagulat ng makita kong may tungkod na ito ngayon. Tinulungan pa ito ng unang asawa nitong si Oma Valeksa na kay tagal rin nawala tulad nito.


"Bakit ka pa bumalik dito, Dirk?" Tanong nito sa halip.


Mababanaag sa boses nito ang nakaambang na sermon sa kausap nitong tila wala naman pakialam sa mga maririnig nito.


"Babalik na rin ako sa bagong mundo ko kasama ang anak mong si Dallas." Seryosong sagot ni Dirk sa halip.


Sukat dun ay sumentro ang atensyon saakin ng lahat. Tila nagulat ang mga ito sa mabilisang pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Dirk na maskina ako ay naguguluhan kung papaano nga ba nangyari. Halos mag iisang taon palang si Dirk sa aming planeta buhat ng dumating ito pero nakuha nalang ako nito ng ganun-ganun lang.


"Bakit?" Si Diland. "Nakalimutan na ba niya ang lalaking minahal niya noon, Dirk?" Tanong nito.


"Hindi na mahalaga yun." Si Dirk.


"Mahalaga yun." Si Diland. "Paano kung iwanan kalang din niya tulad ng ina mo?" Tanong nito.


"Hindi ko gagawin yan." Kunot noo dala ng inis na tanggi ko.


"Talaga?" Sarkasmo na tanong ng ama ko. "Paano mo nasasabi yan sa harapan namin gayong pinautos mo kila Sagfar na buhayin ang Dirk na minahal mo noon." Dugtong nito.


Nakita ko na tila natigilan si Dirk saglit sa narinig nito kaya naman mabilis na dinepensahan ko ang sarili ko bago pa lumala ang sitwasyon.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon