CHAPTER 8

89 15 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Aray-aray-aray-aray!" Sunod-sunod na reklamo ko habang pilit kong tinatanggal sa magkabilaang paa ko ang suot kong heels. "Hindi. na. ulit." Putol-putol na wika ko sabay bato sa kanang pares nito. "ako. magsusuot. nito!" Tuloy ko sabay bato sa kaliwang pares.


"Ouch! Careful ka lang sis! May dumadaan na gwapo!"


Halos tumirik ang mata ko sa inis ng marinig ko nanaman sa ika-isang daan beses ang boses ng pinaka 'feelinggero' close na kuya ko saakin.


"What do you want now, Kuya Davis?" Tanong ko dito na hindi ito nililingon.


"Umh, I'm just wondering? Ano mas bagay na suotin ko sa dalawa? Is it the black with red or black with blue combination?" Tanong nito.


Poker face na nilingon ko ito para lang makita na sagad sa pulbos ang pagmumukha nito. Naka tuwalya din ang ulo nito na animo'y galing ito sa salon. Naka roba pa ang gago na tila nag be-beauty rest talaga si tukmol.


Hawak nito ang dalawang prince-suit nito. At dahil black, blue, and red ang primary color ng Wolveroz? Tila hindi ito makapamili sa kung ano ang dapat iterno sa black.


Abnoy talaga!


"Bakit hindi ka mag hanap ng prince-suit mo na parehas na may blue and red?" Pigil ang panggigigil na suhestiyon ko dito.


Nag-isip pa talaga ang isang walang utak na ito.


"Woah! Di ko naisip yun ah? thank you, sis!" Pasasalamat nito sabay nagmamadaling umalis na parang hinahabol ng sampung koneho.


Seriously!? Wala ba itong damaja na maaring utusan? Bakit kailangan pati ang bagay na yun, saakin pa tanungin!?


"You're the best!" Habol pa nito.


Unghang talaga!


Yun lang at napag-isa na muli ako saaking silid.


Sa isang linggo na pananatili ko dito, halos mamuti na ata ang lahat ng buhok ko kahit panga ba immortal ako. No wonder kung bakit walang may gusto na maging tagapagmana ng Wolveroz.


Kahit pala ang Wolveroz ang pinakamayamang kontinente sa mundong ito? Marami din pala itong problemang pinansyal. Idagdag pa na ito ang pinaka makapangyarihan pagdating sa usaping mahika. Plus pa na sa inaraw-araw ng buhay ko, lagi kong nakakasama ang mga konseho at mga nilalang na nasa likod ng pagkamatay ni Dirk na siyang naging dahilan ng pagkabaliw ko.


Kung hindi ba naman kasi sandamukal na mga tanga ang mga hayop! Kung hindi nila pinagtulungan tapusin noon si Dirk, hindi naman na sana lalabas ang totoong kinakatakutan nila. Mas malakas na ang alter-ego ni Dirk kumpara sa totoong ito nung mga panahon na yun.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon