CHAPTER 15

87 13 0
                                    

Dirk Izunia Salvatorie POV

"Lagi mong tatandaan, Dirk." Si Papa. "Lagi mong alagaan ang mama mo ha?" Bilin nito.

Mahigpit na niyakap ko ito habang umiiyak.

Ayokong bitawan ito dahil alam kong sa oras na gawin ko yun ay hindi ko na ito muli pang makikita.

Sa edad kong apat, ay sobra-sobra na ang sakit at lungkot na ito na aking nararanasan.

"I'm so proud of you, sonny." Nakangiting wika nito.

Yun lang at sapilitang inalis nito ang mahigpit na pagkakayakap ko dito at mabilis din ako nitong tinalikuran para sumakay sa sasakyang sumundo dito.

"Papa!" Habol ko dito bagama't pinipigilan ako ng mga katulong namin. "Papa!" Tawag ko dito. "Papa ko!" Tawag ko muli.

Subalit kahit naka ilang tawag pa ako dito ay hindi man lang ako nito nilingon o binalikan.

Kaya ang sabi ko sa sarili ko ay baka hindi nito alam na tinatawag ko ito?

Baka hindi nito yun naririnig.

Sukat dun ay buong pwersang bumitiw ako sa pagkakahawak saakin ng mga katulong namin at mabilis na hinabol ang sasakyang lulan nito.

"PRINCE DIRK!" Sigawan ng mga katulong.

"PAPA!" Sigaw at tawag ko dito. "PAPAAAA!" Sigaw ko muli.

Sa pagkakataong ito, alam kong naririnig at nakikita naman na ako nito pero bakit hindi pa rin ako nito nililingon!?

Halos madapa-dapa na ako kahahabol sa sasakyan nito pero bakit para yatang wala itong pakialam!?

Halos umabot na kami sa may tunnel tree patungo sa mansyon namin ng tuluyan ko na itong hindi magawang habulin.

"PAPAAAAAAAAAAAAA!" Malakas na sigaw ko kasabay ng tuluyang pag layo ng sasakyan nito saakin.

Nagising na lamang ako ng marinig ko ang pagbukas sa pinto ng madilim na seldang kinaroroonan ko ngayon.

"Bakit hindi niyo ako agad tinawag!?" Galit na tanong ni Uncle Niros.

"Pinagbilinan po kami ni Queen Diana na huwag kayong tawagin, kamahalan. Takot na sagot dito ng mga tagapagbantay ng kulungan.

Bahagyang nasilaw pa ako ng masilayan ko muli ang liwanag sa labas.

"Dirk?" Tawag ni Uncle Niros sa pangalan ko.

"Hello, uncle." Bati ko dito.

Agad na lumapit ito saakin para painumin ako ng tubig na dala-dala nito.

"Sinabi ko na kasi sayo na sa Wolveroz kana lang manatili. Bakit ba gustong-gusto mo pa rin dito tumira!?" Galit na sermon nito.

Subalit hindi ko na nagawang sagutin ito ng masimulan ko nang uminom ng tubig. Ilang araw na akong walang kinakain at iniinom sa loob ng selda kong ito kung saan ipinakulong ako ng aking ina sa salang pakikipaglaro kay Desha.

Nasamid pa ako sa sobrang pagmamadaling uminom.

"Dahan-dahan." Si Uncle.

"Isasama mo nanaman ba ulit ako sa malamig na kontinente?" Tanong ko dito matapos kong uminom.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon