Davis Osmond Wulfric POV
"Hi sis, nagbalik kana pala mula Shadowfell. Ilang linggo kana naman nawala. Alam mo ba? Kaunti nalang iisipin ko ng kabute ka." Masayang salubong ko sa kaisa-isa kong babae na kapatid.
"Seriously?" Taas ang isang kilay na tanong nito saakin.
"What?" Tanong ko naman.
"Parang hindi ka namatayan ng ilang kapatid ah?" Tanong nito.
"The Eight lang naman kasi talaga ka-close ko sa mga kapatid natin. Huwag kana magpakaplastik, sis! Alam ko naman na mas malala ka pa saakin. Ako at least may ka-close pa? ikaw wala na." Pang-aasar ko dito.
Poker face na tinignan lang ako nito sabay iiling-iling na nilagpasan ako.
"Hey, jinojoke lang naman kita." Habol ko dito.
"What do you want?" Tanong nito sa pagitan ng paglakad naming dalawa.
"I want to be safe." Pag-amin ko. "Naisip ko lang naman kasi? Asawa ka ni Dirk, at alam kong may third, fourth, fifth, and more wave pa na paghihiganti si Dirk? Naisip ko lang na pag dumikit ako sayo, safe ako." Pag-amin ko sa intensyon ko sa pagbuntot dito.
"Trust me, kuya. Hindi ka safe saakin." Wika nito.
"Nah." Sagot ko. "I do believe safe ako sayo kasi asawa ka niya. Solterozian pa rin si Dirk after all? Na-forget ba nilang ikwento sayo na sobrang dedicated ng mga Solterozian husband sa asawa nila? Once na magpakasal sila, never nilang sasaktan ang wife nila mahal man nila yun o hindi. Sa katunayan nga niyan, pag asawa nila ang isang babae? Hindi nila sasaktan at bagkus tutulungan pa nila ang pamilya nito. Hindi ko lang sure bakit kami sinasaktan ni Dirk ha? Siguro kasi di mo kami tinuturing na pamilya mo. Pero kung buhay pa hanggang ngayon ang pamilya mo sa Eos, well? Baka dun applicable yung pagiging Soltero—"
"Totoo ba yang mga sinasabi mo?" Putol na tanong nito sa kwento ko.
"Yup." Mabilis na sagot ko naman. "Okay, I know babaero at happy go lucky akong tao pero never akong nag lie sa kahit na anong sinasabi ko? Aside syempre sa pambabae ko sa halip na gawin ang mga trabaho ko sa tuwing tinatanong ako ng ating ama." Mabilis na dugtong ko.
Nakita kong tila nag-isip ito ng malalim.
Grabe... kung di ko lang sister 'to? Ako na nauna sa pila na ligawan ito.
Sabi ko sa isip.
Subalit agad din na kinilabutan ako!
Baka mamaya, malaman ni Dirk na may crush ako sa asawa nito!
Erase.
Erase.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...