CHAPTER 34

73 11 3
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Noong bata pa siya ay hilig niyang sumasakay sa sasakyang pandagat na siyang nakita ng kanyang ina na magandang paraan kung papaano tatapusin ang buhay ng kanyang anak. Sinigurado ni Queen Diana noon na masisira ang barkong sinasakyan ng batang si Dirk sa gitna ng karagatan. Ni wala silang pasabi saamin na may barkong mag bi-biyahe noon kaya hindi ko ito nagawang patnubayan na siyang dahilan kung bakit ito nasira at lumubog nung gabi na may malakas na bagyo." Mahabang kwento ni Seano.


Halos hindi nalang ako makapagsalita sa mga narinig kong another sad story mula sa nakaraan ni Dirk na aksidente ko lang nalaman matapos ko itong hanapin sa gitna ng kasiyahan para sa kasal ng panganay na anak ni Seano nang hindi ko ito matagpuan.


Um-attend naman ito ng wedding ceremony? Sadyang nawala lang talaga nung reception na. Basta ang huling bilin nito saakin ay hintayin ko lang ito at babalik na rin kami sa Wolveroz.


Dun ko na nalaman kay Haring Seano na likas ng mapagmasid na hindi ko talaga ito matatagpuan sa kasiyahan lalo't kung nasa gitnang karagatan ito dahil isang lugar lang ang pupuntahan nito.


Sa barkong lumubog na minsan na nitong sinakyan.


"Nung araw din na yun ay namatayan nanaman si Dirk ng panibagong kaibigan. Si Tandang Martinez na matalik na kaibigan ng lolo niyang si Elyzor. Sa pagkakaalam ko ay isa itong Eosian at hindi immortal kung kaya naman ikinamatay nito ang pag lubog ng barko noon dahil sa pilit na pagsagip sa munting prinsipe. Namatay din kasama nito ng sampung aso, limang ibon, dalawang pusa at ilan pang mga hayop na alaga ni Dirk na dating alaga din ng lolo't lola niya." Kwento nanaman nito. "Papunta na sana sila Lightdex nung mangyari ang trahedyang yun." Dagdag pa nito.


"Lagi nalang si Queen Diana ang may dahilan ng kalungkutan ng anak niya. Napakasama talaga ng budhi ng babaeng yun kahit na kailan!" Inis na sabat ng asawa nitong si Reyna Coralina.


"Mabait naman talaga si Diana noong orakulo pa siya at dalaga. Sadyang nag bago lang talaga ang ugali matapos gahasain at tangayin sa ibang mundo ng ama ni Dirk..." Depensa ni Seano kay Diana na siyang mas ikinagulat ko.


"Yung ama po ni Dirk..." Putol na wika ko dahil kinukutuban na ako kung sino ang ama nito. "Si Prince Dyrion po ba?" Tanong ko.


Tumingin saakin si Seano.


"Ang akala ko ba'y alam ng lahat ng mga taga palasyo mula sa lupa ang tungkol sa bagay na ito? Sinigurado kasi ni King Diland na mabubura ang lahat ng tungkol sa kapatid niya maging ang existence nito matapos nitong mamatay. Tanging mga high royal blood lang ang hindi isinama ni King Diland sa malakawang brain washed na ginawa niya sa mga nilalang ng Novaliz. Sa makatuwid, hindi ba dapat ay may alam ka?" Tanong ni Seano saakin.


"Wala po akong alam." Matapat na sagot ko.


"Nako! Lagot kana niyan, Seano!" Si Coralina.


"Ay nako, hindi po!" Depensa ko. "Hindi ko naman po ipagkakalat ang mga sasabihin niyo saakin." Dugtong ko.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon