CHAPTER 27

80 15 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Ilang araw nang naninikip ang puso ko buhat ng malaman ko at makita ko mismo sa Zeus Eye ko ang nangyari kay Queen Daian at Dirk nung araw na mamatay ang lola nito.


Gusto ko sanang tanungin si Dirk o kausapin tungkol dito pero matapos din ang araw na yun ay mabilisan na kaming bumalik ng Wolveroz at masyado nanaman ito naging abala sa mga gawain nito.


Next week naman ay sa Foresteroz na ito pupunta na mas lalong nagpaliit sa tyansa kong makausap muli ito ng masinsinan tulad ng naging pag-uusap at pagsasama namin sa Solteroz.


"Ilang araw kanang looking bothered, sis." Puna ni Kuya Davis mula sa likuran ko. "Shall I need to feel bothered too?" Tanong nito.


Tinignan ko ito.


Kahit maraming gawain katulad namin mga nasa puwesto ay para bang lagi itong easy-easy lang. Hindi ko sure kung natatapos ba nito on-time ang mga pinagagawa dito o ano pero mabuti na rin pinuntahan ako nito dahil parang sasabog na ang puso ko sa paninikip nun.


"There's no need for that." Sagot ko dito.


"How's your trip in Solteroz with Dirk?" Tanong nito sabay upo sa lamesa ko.


"Ayos lang naman." Sagot ko.


"Ayos lang pero may tunog hindi ayos sa pagkakasagot mo." Sagot nito sabay papak sa isang cubes na yelo mula sa isang baso nito na punong-puno nun at dala-dala nito.


Mahilig kasi talagang pumapak ng yelo ang mga Wulfric. Tipong hindi pa sapat sakanila na nakatira na sila sa malamig na kontinente. Kumbaga kulang pa ang pa-chill na nararamdaman nila.


At dahil hindi naman ako lumaki kasama ng mga ito ay para bang nababaknal ako sa ginagawa nila. Ang mabuti pa ay makaisip ako ng paraan kung papaano ko mapapalitan ang favorite snacks nila with a style kaysa pasakitin pa lalo ang puso ko sa nangyari kay Dirk at sa lola nito.


"Let me see, siguro nalaman mo yung malungkot na nakaraan ni Dirk at ng lola niya 'noh?" Tanong nito bigla.


Nagulat ako kung papaano nito nalaman yun gayong sinabi saakin ni Dirk na wala pa itong pinagsasabihan na kahit sino.


"From the looks of it, tatanungin mo for sure kung papaano ko nalaman." Hula nito. "Well, hindi man kinuwento saamin ni Dirk ang lahat ay narinig ko naman minsan na pinag-usapan ni Dad at Prince Niros ang patungkol sa bagay na yan noon. Alam mo naman, dakilang tsismoso ang kuya mong may isang daang mata't tainga." Biro nito sabay palatak at kindat.


"So alam mo?" Tanong ko dito.


"Oo." Sagot nito. "Noong malaman ko yun nung bata ako ay tatlong buwan yatang na-depress ang isang happy go lucky na katulad ko. Tapos hindi ko pa magawang sabihin kahit kanino ang narinig ko dahil alam kong hindi magugustuhan ni Dirk na malaman pa ng marami ang patungkol sa ginawa niyang pag paslang sa sarili niyang lola." Dugtong nito.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon