CHAPTER 24

78 14 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Mabilis na napabangon ako mula sa malambot kong higaan matapos managinip patungkol sa nakaraan.


"Your Highness..." Mabilis na lapit saakin ng damaja ko. "Hindi muna po dapat kayo bumabangon ng ganun kabilis. Mataas pa po ang lagnat niyo bagama't kusa ng nag hilom ang mga sugat at pasang natamo niyo dahil na rin sa pagiging Wulfric niyo." Wika nito.


"G-Ganun ba?" Bahagyang nahilo at nanlata ngang tanong ko.


"Opo." Sagot nito sabay giya muli saakin pahiga ng matigilan ito matapos kong hawakan ang damit nito.


"Ang Lord Emperor?" Tanong ko dito.


Tila ayaw pa nitong sagutin ang tanong ko na yun ng hawakan ko ng mas mahigpit ang damit nito.


"Galing na po dito ang Lord Emperor." Sagot nito. "Siya po ang nag ligtas sainyo mula sa tiyak na kapahamakan. Siya rin po ang naglinis, nagbihis at gumamot sainyo bago namin siya mapilit na gamutin din ang sarili niya at magpahinga na sa wakas sakanyang silid dahil hindi tulad niyong mga Wulfric, walang kakayahan ang mga Salvatorie na pag hilumin ng kusa ang kanilang mga sugat unless kung lulunasan yun ng mga doktor." Dugtong nito.


Natigilan ako.


"G-Ganun ba?" Tanong ko.


Tumango ito.


"Sa katunayan po niyan, hindi pa nalilinis ng mga damaja ang mga dugo niyang nagkalat sa sahig niyo." Kagat labing sagot nito.


Tinignan ko ang sahig ng silid ko para lang mapatunayan ang sinabi nitong yun.


"Kung maari po sana ay huwag niyong sabihin sakanya na sinabi ko ang tungkol sa ginawa niya lalo't mahigpit niyang ipinagbilin saamin na huwag itong ipaalam sainyo, kamahalan." Magalang na pakiusap nito.


"Nasaan siya?" Tanong ko sa halip bagama't wala naman talaga akong balak ipamahak ito.


"N-Nasa silid po niya ang mahal na emperador ngayon..." Naiiyak ng wika nito dahil hindi ko kinumpirma ang pagkawalan ko ng balak na ipahamak ito.


"Hindi kita ipapahamak kung papayagan mo akong puntahan siya ngayon." Wika ko dito bagama't hindi naman totoo na ipapahamak ko ito pumayag man ito o hindi.


"H-Hindi ko po maaring gawin yun, kamahalan!" Anito. "Mas mapapahamak po ako kung susundin ko ang gust—"


Pinatulog ko ito na walang kahirap-hirap para takasan at ng mapuntahan ko na si Dirk. Tulad nito ay ganun din ang ginawa ko sa mga bantay ko sa labas sa kabila ng panlalatang nararamdaman ko ngayon.


Gusto kong makita at mapatunayan na si Devils King nga ang gumawa 'non kahit panga ba sinabi na nila at nakita ko naman na ang lahat.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon