Dallas Arthemis Columbus POV
Mabilis pa sa alas-cuatro na hinila't niyakap ako ni Dirk pasubsob sa dibdib nito ng sumandal ito sa pagitan ng mga gusali upang mag tago sa ilang mga nakasunod na tindero saamin.
Dinig na dinig ko ang mararaming yabag ng mga paa ng mga ito.
Desidido talaga silang masaktan ako na parang ako pa itong masama gayong ako nanga itong wala naman ginagawa sakanila kung tutuusin.
Ang tagal kong nawala tapos isa pa ako sa pagbibintangan nila sa kapalpakan sa pamumuno ng ama ko noon.
"Okay na b—"
"Shhhh." Mahinang putol nito sa tanong ko sana dito.
Tuloy ay nanahimik nanaman ako.
Para lang mas mailang dahil hindi ko gusto ang posisyon naming dalawa.
Bukod sa nababakla ako masyado ay naririnig ko pa ang nakakabinging tibok ng puso nito na nakatapat ngayon sa kaliwang tainga ko na nakasandig sa dibdib nito.
Bakit ganito kalakas ang tibok ng puso nito?
Dahil ba sa ginawa naming pag takbo?
Imposible...
Sagot ko sa isip.
Kung ganun...
Saan?
Kinakabahan ba ito para saakin?
"Come." Anito sa wakas kasabay ng marahang pag hila nito saakin patungo nanaman kung saan lupalop ng bayan na ito.
Ilang saglit pa ay bahagya akong nahilo para lang makahinga nang maluwag dahil tineleport na pala ako kasama nito pabalik ng palasyo na sana'y kanina pa nito ginawa.
"Wooosh! Sana di na tayo tumakbo't nag tago ng ganun! Sana tineleport mo nalang tayo agad." Wika ko ng makabawi ako.
"Ano ka sinuswerte?" Tanong nito pabalik.
"Aba't!?" Maang na sabat ko.
Hindi ako makapaniwala na may kulit side din pala ang demonyon—bigla nalang akong natawa ng maalala kong may kulit side nga pala talaga ito.
"Anong tinatawa-tawa mo?" Kunot noong tanong nito saakin.
Subalit hindi ko ito magawang sagutin dala ng matinding tuwa na bumabalot saakin matapos kong maalala yung unang beses na tinuruan ko itong lumangoy.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...