CHAPTER 28

78 14 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Suot ang eleganteng off shoulder sky blue tulle gown na nilagyan pa ng white dramatic cape cloak with hundreds of icy blue diamond sa lace na himalang bumagay sa tifanny-blue eyes ko at sa haba ng buhok kong inartihan ko ng kulot at inipitan ko ng loose-plait wedding hair na tinadtad ko ng maraming mga simpleng maliliit na diyamanteng bulaklak na ipit ay nagmamadaling binabagtas ko ang daan patungo sa paparty namin para kay Dirk.


Thankfully, hindi ganun kataas ang crystal shoes with two-inch heels na napili kong iterno sa damit kong ito. Hindi tuloy ako gaanong nahihirapan sa ginagawa kong pagtakbo ngayon. Gustuhin ko man na mag teleport nalang sana para mas mabilis o di kaya'y magikin ang mga halo-halo mula sa malayo ay hindi ko maaring gawin.


Mararamdaman ng mga kapatid ko ang malakas na enerhiya ng kapangyarihan ko kung magkakataon!


"Dammit!" Mura ko sabay liko ng daan ng makita ko ang kanya-kanyang tupok ng mga damaja na nagmamadaling tumatakbo papunta sa iba't ibang direksyon dala ang ilang medisina para sa pagtatae na natitiyak kong para sa mga kapatid kong prinsipe.


Nagmamadaling tumakbo ako patungong west-side door ng ika-pitong palace hall namin na siyang pinaka magara't pinaka malaking event venue na ginagamit lang namin kapag sobrang daming bisita ang dumarating katulad ngayon.


Sa sobrang laki nga ata ng palace hall na ito, ang mga nilalang mula sa dalawang populated na kabayanan ang maaring mapagkasya dito. May matitira pang napakalawak na space kahit ganun na karami ang mga nasa loob.


Halos mamilog ang mga mata ko ng sa pagharap ko bigla dala ng may nabunggo akong kung sino ay makita ko si Dirk na mag isang nakatayo sa west-side door ng seventh hall!


Maging ito ay tila nagulat din saakin.


At talaga naman makapigil hininga ang suot nitong black classic tuxedo na bumagay sa napakagandang tabas na katawan nito.


Halos sabay kaming napaharap sa grand doorway ng bumukas yun at sabay-sabay na napalingon ang lahat ng mga bisitang naririto saaming dalawa.


"His Royal Majesty, Lord Emperor Dirk Izunia Salvatorie—and Her Royal Highness, Crown Princess Dallas Arthemis Wulfric." Anunsyo saaming pagdating.


Tila maging ang tagapag-anunsyo ay nagulat ng makita ako nitong katabi si Dirk na natitiyak kong nagpasabi naman in advance na wala itong kasama ngayon. Tila wala itong napili sa mga babaeng nauna na nilang tsibugin ng mga kapatid ko kamakailan lang.


Alanganing ngumiti ako sa mga bisita at kay Dirk!


Hindi ko alam kung papaano ako eeskapo!


Nakakahiya namang tumakbo na parang ako si Sisa na nawawala sa ganitong sitwasyon lalo pa't nakatingin na saamin ang lahat ng mga bisita na naririto!


Pero ano pang mas nakakahiya kung lalakad si Dirk ng mag-isa at iwanan ako dito. Parang basura naman ako 'non na ayaw nitong eskortan kung magkataon.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon