CHAPTER 30

77 13 4
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Oh, napaaga ata uwi mo?" Gulat na salubong saakin ni Kuya Davis sa labas ng pintuan ng meeting place naming 'The Eight' dito sa kapitolyo.


"Wala lang? Nagawa ko naman na lahat ng dapat kong gawin sa Shadowfell eh." Sagot ko dito. "Tungkol saan nga pala ang magiging meeting?" Tanong ko pagkuwan.


"Eh di ko din sure eh? Tanong nalang natin si Kuya Draken." Anito.


"Himala at hindi mo alam ang sagot this time? Akala ko pa naman ikaw ang dakilang Twitter ng Wulfric." Biro ko dito.


"Ay nako, hindi ako yun. Actually, ako ang pornhub ng mga Wulfric. Sa sexy at galing ko mag damoves, ako ang pantasya ng mga kababaihan natin dito." Anito sabay gumiling-giling na animo'y nakikipag sex talaga ito.


"Tarantado ka rin eh 'noh?" Masungit at pokerface na wika ko dito. "Tino-tino ko nakikipag-usap sayo tapos hahaluan mo ng kalibugan mo?" Dugtong na tanong ko. "Atsaka, hindi dapat ganyan ang mga damoves natin, dapat ganito." Turo ko dito.


Sabay kilos na para akong lalake na tumitira ng babae ngayon ng patayo.


"Ganito mag damoves si Dirk." Wika ko pa.


Wala naman akong iba pang ma e-example dahil ito lang naman ang nakatalik ko noon. Syempre yung hindi nito totoong pagkatao ang pinatutukuyan ko 'noh!


"Ah, talaga?" Tanong nito na ginaya ang ginagawa ko.


Para kaming mga tanga na nakikipag-sex sa hangin na babae dito sa hallway.


Tuloy, napaatras at napapatago ang mga damaja o mga tagapaglingkod namin na nakakakita ng aming kalokohan.


At nang tila maramdaman ng mga kapatid namin sa loob ng silid pulungan namin na may katarantaduhan na nangyayari sa labas ng pintuan ay binuksan nila ang pinto at nahuli kami sa akto.


"Tarantado ba kayo?" Malutong sa mura't tanong saamin ng mga kuya namin ng maabutan ng mga ito ang kagaguhan na pang-aasawa namin ni Kuya Davis sa hangin na babae.


"Palibhasa ay hindi kayo nagkakalayuan ng edad kaya parehas kayong gago." Si Kuya Denver.


Natigilan at umayos naman kami ni Kuya Davis ng tayo na animo'y walang nangyaring kahihiyan sa paligid.


"Naririto na pala ang kapatid naming pasikat." Si Kuya Danier.


"At hindi pala nawala dito ang kapatid naming gorilla." Nakangiting supalpal ko dito.


Nakita ko ang lalong inis sa mukha nito.


Kaya nginitian ko ito ng matamis at pumasok na sa loob ng meeting place namin kasunod ni Kuya Davis.


The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon