Dallas Arthemis Columbus POV
"Your Highness, nakailang appointment na po kayo para sa linggong ito. Hindi ko na po kayo maaring isingit pang muli lalo't marami pang mas importanteng makakaharap si Lord Emperor." Magalang na sagot saakin ng personal palace secretary ni Dirk.
"Ano ba kasing pinipilit mong i-proposed sa Lord Emperor?" Si Shin na katabi lang namin. "Gusto ka na rin kasi niya ipa-banned sa appointment lists niya." Dugtong nito.
"Ay grabe siya..." Tanging nasagot ko nalang bagama't alam ko naman ang dahilan kung bakit gustong gawin ni Dirk ang bagay na yun.
Buhat yata ng i-alok ko dito na tuturuan ko na itong lumangoy at tanggihan nito yun ng makailang ulit matapos kong makailang ulit din na kulitin ito ay nairita na yata ito ng tuluyan.
"Ano ba kasi ang dahilan?" Si Shin ulit.
"Tignan mo!" Ako. "Ang ganda nun oh!" Sa halip ay iwas ko sa usapan.
"Maskina si Prince Davis ay tila nadamay sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero panigurado na may kinalaman din ito patungkol sa pangungulit mo kay Dirk, tama?" Tanong nito saakin.
"Hindi." Mabilis na tanggi ko atsaka palihim na kinuha ang schedule ni Dirk ngayong araw na hindi naman napansin ng mga ito. "Sige, aalis na ako!" Nakangiting paalam ko bago nag tatakbo paalis na parang napaso ako.
Mula sa tagong bahagi ng hardin malapit sa opisina ni Dirk ay tinignan ko ang schedule nito. Kung hectic pala ang schedule ko araw-araw ay mas hectic pa ang schedule nito.
Hindi ko alam kung papaano nito napapamunuan ang tatlong malalaking kontinente ng sabay-sabay pero hindi ko maiwasan ang hindi hangaan ang galing nitong yun.
"Sobrang hectic ng sched pero hanggang three lang ang work? Ibang klase din ang isang ito, ah?" Kausap ko sa sarili. "Ano kayang gagawin niya after ng work niya? Siguro mas mabuti kung abangan ko ito ng palihim mamaya at sundan ng hindi nito nalalaman. Tama, tama." Tumatango-tangong wika ko.
At yun nanga ang ginawa ko.
Nag trabaho din ako buong mag hapon at pag dating ng two-thirty ay nag mamadaling nag tago na ako sa hardin na pinagtaguan ko din kanina para i-ambush si Dirk.
Marahang sumisilip ako mula sa loob ng mga halaman na pinagtataguan ko ng manigas ako sa takot. Tulad nga ng sinasabi ni Kuya Davis ay may kinakatakutan ang lahat ng nilalang sa mundo.
Tandang-tanda ko pa noong bata pa ako at sa Eos pa ako nakatira, masayang pinagtripan ko ang paboritong manika ni Mishi na si Ilin. Kinulayan ko ng makapal na pilot ang mga mata nito at kinalbo ang buhok.
Kaya naman nung umuwi na si Mishi mula sa mahabang bakasyon nito sa Citadel ng Lucis ay laking galit nito saakin. Nagkataon naman na nung araw na yun ay nasa bahay din si Daddy Connor para i-report sa palasyo na maraming namatay na ahas sa isang bahagi ng kagubatan malapit sa border ng Insomnia.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...