Dallas Arthemis Columbus POV
Bagama't mainit sa Solteroz ay malayo pa rin ito sa init na naiisip naming mga Wolverian tulad ko na ngayon lang nakatapak dito.
Hindi naman pala ganun kainit dito tulad ng mga nasa kwento. Kung tutuusin nga ay mas mainit pa rin pala ang klima ng tropikal na kontinente ng Foresteroz.
At hindi rin tulad sa mga naiisip ko ay hindi naman pala puro ahas ang makikita sa kontinenteng ito. Sa halip na mga nakakadiring ahas ay magagandang asul na asul na karagatan at dilaw o di naman kaya'y puting-puti na buhangin at lupain ang makikita mo.
Puting-puti rin ang napakalaking palasyo sa kapitolyo ng Solteroz na mas kilala sa tawag na Zylanders. Sobrang laki nito at taas na talaga naman para kang nasa fantasy world kung naririto ka.
Don't get me wrong, maganda rin naman ang main palace ng Wolveroz sa Northernlander at maganda rin naman ang main palace ng Foresteroz sa Exonder pero mas bongga pala ang palasyo ng Solteroz sa Zylanders.
Pinapakita lang ng palasyo nito na ang kontinenteng mainit nga ang may pinaka malaking lupa na nasasakop sa planeta naming ito. Kulang ang sampung araw para malibot mo ng buo ang napakalaking palasyo nito.
At hindi katulad sa Wolveroz na halos puro hari lamang ang nagdaang pinuno, may mga babae rin ang namuno sa kontinenteng ito na siyang dahilan kung bakit may touch ng feminine ang napakagandang palasyo na ito na magiging langgam ka talaga sa laki.
"Parang European style ang structure..." Puna ko habang pinagmamasdan ang malalaking pillar ng palasyo na ito.
"Your Highness..." Magalang na tawag saakin ng personal na damaja na pinagkatiwala saakin ni Dirk.
Hindi ko alam kung anong trip nito pero inangkat pa nito ang personal na damaja ko sa Solteroz mula sa isang sikat na warrior family na tapat sa pamumuno nito. Bantay sarado din ang silid ko ng sampung knights na pinagkakatiwalaan din daw nito. Maskina ang mga tagapagsilbi ko ay sanay din makipaglaban dahil pawang mga sundalo ang mga ito.
Ito ang pinakamatidi sa lahat! Sinama lang pala ako nito para ikulong sa palasyo! Hindi naman ako nito sinasama sa labas! At hindi rin nito inanunsyo na kasama ako nito. Nakakalabas lang ako sa tuwing dumarating ito. Kaya naman natuturyot na ang utak ko! Masyado namang arabo ang paniniwala ni gago.
"Ano?" Boring na tanong ko dito.
"Nakahanda na po ang mga pagkain niyo." Magalang na sagot nito.
"Kasabay ko bang kakain si Queen Diana?" Medyo naganahan ako matapos tanungin yun.
Dahil kahit may kinalaman pa ito sa pag paslang ng Dirk na minahal ko ay ito pa rin ang ina nito. Mukhang may makakaaway ako kahit papaano sa hapag ng hindi ako mukhang gago na mag-isang kumakain.
"I'm afraid that the Her Royal Majesty, Queen Diana Ezia Salvatorie is not available right now, Your Highness." Magalang na sagot nito. "Mahigpit pong pinagbilin ng Lord Emperor na huwag kayong pagkitain dalawa." Dugtong nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 2
RandomMatapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang gagawin nalang niya ang lahat upang protektahan ang sarili at ang mga mahal niya sa buhay mula sa mapanganib na mga kamay ng totoong si Dirk...