CHAPTER 19

89 10 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Kung ako lang ang tatanungin ay ayoko na muna sanang makita ang pagmumukha ng Lord Emperor Real Dirk Izunia na yan dahil sa ginawa nito saakin kahapon pag-uwi ko dito.


Pero dahil ito pa rin ang pinuno ng kontinente namin at nasasakupan lang kami nito ay wala akong magagawa kung di sundin ang inuutos nito. Pinatawag ako nito ngayon sa hindi ko malamang kadahilanan dahil hindi rin naman dinetalye ng damaja nito.


"Pumasok nalang po kayo sa loob ng silid niya, kamahalan..." Magalang na wika ng mga damaja na nakaharap ko ngayon sa labas ng silid tulugan nito.


"Diyan talaga sa loob kami magkikita?" Kunot noong tanong ko.


Marahang tumango ang punong damaja nito.


"Yun po ang bilin niyan, kamahalan." Magalang na sagot nito.


Hindi ba kami pag-iisipan ng masama nito?


Kunot noong tanong ko sa isip.


I mean, alam kong dati kaming mag-ex pero ang sagwa pa rin ngayon dahil baka isipin ng mga damaja na ito na mag chuchukchakan kami sa loob!? Aba! mahirap ng ma-issue lalo't kung di mo gusto yung lalake.


"Your Highness?" Tawag ng mga ito sa pansin ko ng tila matagal akong natulala kakaisip ng nasa isip ko.


"Yes, sent me in." Utos ko.


Yumukod muna ang mga ito bago nila marahang binuksan ang pintuan ng silid ni Dirk.


Kung tutuusin, ngayong ito na ang matuturing hari ng kontinente namin sa pagkawala nalang bigla ng ama naming si Diland, may karapatan na itong matulog sa silid ng mga hari.


Ganun pa man, pinili pa rin nitong matulog sa silid nito noong prinsipe pa lamang ito na malaki man ay hindi pa rin kasing laki ng silid na nilaan nga para sa mga hari ng Wolveroz.


Sa bukana ng pintuan nito ay ang sarili nitong sala at malalaking pintuan kasama na ang patungong deck nito sa palasyo ang makikita. Hindi katulad sa iba pang kuwarto ng mga prinsipe ng Wolveroz ay alam mong Solterozian Prince pa rin ang namamalagi dito dahil na rin sa ilang Solterozian Interior na makikita sa silid nito.


At sa tingin ko, ang old Solterozian color ang sinusunod nito dahil yun lang halos ang makikita sa silid nito. Black and red lang naman kasi talaga ang kulay ng Solteroz na hinaluan lamang ng ginto sa panahon ni Queen Diana.


May touch man ng ilang ginto sa mga gamit nito ay hindi yun masyadong marami. Yung ilan ay white gold na ang disensyo na bumagay pa rin naman sa interior ng silid nito.


"Anak ng—" Napatiim-bagang ako ng bigla nalang lumitaw ang malaking Solterozian Cobra na si Prince mula sa kung saan.

The Devils King 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon